Break muna tayo, baybe.

I'm just taking a rest from doing my plate. Well, sige, I'll talk about it briefly. My plate for Design Workshop a.k.a Computer Graphics class is to make an 8-page children's storybook. Even if it's just an 8-page book, it's still excruciating. I can already see myself chasing sleep, which will soon run away from me. So, can you imagine? I'll be drawing stuff using the mouse. If only it isn't due on Friday, I'm sure I should be having so much fun doing it. After all, my baby sister wants a copy.

I am loving photography class. Even if my film thrice did not get in the sprocket (which means I'd have to do it all over again) It's fun to take pictures. Iba yung sense of achievement when you catch a moment. I mean, sabi nga nila, the water in the river is never the exact same. Parang moments - there's no exact, same moment in our lives. Pwedeng maulit, but it's an entirely different context.

At first, I kinda didn't like the thought of teaching kids when I have school. But thank goodness I have (so far) a not-so-demanding schedules (let's exclude Sir Austria cause he's perpetually demanding) that I can singit my side lines. Nakakapagod, pero sa panahon ngayon, kahit student palang ako, kailangan ng kumayod. Andyan ang opportunity, bakit palalampasin.

Hmm. I just realized lately that oo, mahirap na ang buhay ngayon. Why? I'd have my Juan and only pseudo-brother to account for that. He made me realize that I should not be doing what I'm doing lately - magreklamo forever of the work that's been given to me. Yep. Well, a glitch in my system probably. So, thanks, bro, you made me stop and embrace the opportunities that are given to me - mahirap na kung wala. And I know you'll make it. Kaya mo 'yan. I'll always be here whenever you need HELP.

I don't know why but my students now in Southvale are so charming. They're all very much willing to learn, so nakakagana magturo. Ang pretty pa nilang lahat! Yep, all of them are girls.

Nga pala, you'd see me in TXT TUBE in GMA on Friday night, er, Saturday morning aroung 12mn to 1am. They'd be featuring me and Andrew Drilon. Andrew Drilon is a Creative Writing major in UP Diliman. He's a comic book artist. At ang lupet niya. Taas kamay. Saludo.

And finally, I bought an mp3 player. Nope, it's not an iPod. Di ako magsplurge unless i badly need it. Well, I needed a flash disk. So I bought the one with a built in mp3 player - hitting two biggie birdies with one stone. And I'm singing Beatles songs everyday.

Pictures galore, mga chong!

Image hosted by Photobucket.com
with Janna, my sandwich, on her 18th birthday

Image hosted by Photobucket.com
with my bestfriend, Denise

Image hosted by Photobucket.com
with my Carla, my sis

Image hosted by Photobucket.com
with jacob, my super savior. goofing around.

Image hosted by Photobucket.com
with eshei: ang pinakamatamis na kayup sa balat ng lupa.

Image hosted by Photobucket.com
EUTOPIA. =)

temporary.

Hindi ba't napakapait isiping sa mundong ito, sa panahon natin, lahat ng bagay ay panandalian. Para mas may dating – temporary, ika nga nila. Lahat na lang ay pwedeng itapon, pagkatapos ng isa o dalawang gamitan. Tulad na lamang ng digital camera, isang kuhaan, kung di mo trip ang kuha mo, isang pindutan lamang - deleted na. Di tulad ng manual 35-mm SLR, kailangang inaaral and kuha - at sa huli, mas mamahalin mo dahil pinaghirapan. Ngayon, isang text nalang, maari mo ng sabihing "I love You", di tulad noon, pinagpapasa-pasahan pa ng mga kaibigan ng babae ang liham ng torpeng mangingibig.

At sa ngayon, sa aking palagay, maski ang ala-ala'y panadalian lamang. Isang gabi lamang o dalwang lingo, burado na ang mukha mo sa kanyang isipan. Pati pangalan mong proud na proud ang nanay mo dahil siya ang nagimbento, para bang isang salitang di niya alam ang kahulugan.

Sa karamihan, okey ata ito. Sa bagay, isang iglap, move on na. Pero sa akin, nakakapanikip yata ng dibdib.

Nakakapagod yatang umasa sa kakaway siya't babati sa twing masisilayan ko ang kanyang mga mata. Mahirap na madamang kay liit ko para ako'y ni niya maalala, kahit limampung beses na kaming nagkakilala. Mahirap na sa bawat pagkikita nami'y magpapagod akong ngumiti ang hawakan ang malamig niyang kamay, para lamang kayang matandaan.

Maaring ipinahiram mo nga ang iyong mga ngiti, ang iyong mga titig-ngunit gaya ng ng sabi ko, hiram lamang lahat ng iyon. Malamng, bukas ng gabi, may panibagong babae ka rin titingnan, hahawakan ang kamay at hahalikan sa pisngi.

Mahirap ring pigilan ang sariling di matuwa sa tuwinang papaliparin mo ang kay ganda mo mga ngiti papunta sa akin. Mahirap na burahin sa aking ala-ala ang iyong pagkaway, di tulad mo, limot mo na ang "hi" ko after 5 minutes. Bakit kaya gano'n, ano? Di pa tayo magkakilala pero alam ko na ang pangalan mo subalit nang tayo'y magkakilala, tinanong mo pa sa akin kung anong pangalan ko sa ikasampung beses nating pagkikita?

Isang araw na tila sa isip ko'y napapaespesyal ko pagkat naangkin kita. Ngunit sa aking pag-gising, napaisip na lamang ako na malamang, marami kaming tila espesyal. Sa bagay, sino ba naman ako, kundi isang passer by, isang tambay na sumusubok na makilala mo.

isinulat habang kumakanta kasabay ang:Brighter Than Sunshine
Just transferred.=)

I’m very happy that I transferred here in blogspot. Not that I don't love my xanga, but blogspot gies me more freedom to customize my page. Obvious naman, diba? pero I think my page seems to serious, noh? Hehe. Bawi nalang ako sa posts. Anyway, I hope you like my new blog! Enjoy!

Rocking and Rolling two by two


Last Friday was a blast. Naks pa-sosing sentence. Basta, sobrang saya ko nung Friday, although there are things that were not to okay that happened. Unahin ko na ang mga kwentong bad trip.

1. Nahulog ko sa jeepney papuntang Katipunan ang aking pinakamamahal ng green framed glasses. At hindi ko na alam kung paano ako makakakuha ng replacement. Pamana pa 'yon ng tito ko. not to mention, Giorgio Armani siya. So, saang part ng mantle ng earth ako makakakuha ng pera pambili ng bagong glasses?

2. Nawawala ang Rotring Mechanical Pencil ko. O, san ka pa. champion talaga ako. Ang mga naiwawaglit kong bagay ang mamahal. Worth p100+ ata yung lapis nay un. Pakshet. Bibili na naman ako ng bago. Hindi kasi pwede ang plastic mechanical pencil, iba ang “feel” sa kamay. Basta, maarte kamay ko. Sorry.

I therefore conclude na walang nagagawang maganda ang ka-atatan manood ng gig ng Bloomfields. Pero somehow, as I watched how they performed their set… para bang walang kaso sa king nakawala ako ng Giorgio Armani na salamin at mamahaling techpen.


Eto sila...



9:30 p.m. Late na kami ni Viva dahil 9:00 pa nagsimula silang tumugtog. Nagkita kami ni Louie (yung bassist) sa mata (swear, sa mata lang talaga kais busy siya tumutugtog) and I waved "hi" to him, at nagwave back siya. Naks. Kumaway sa akin ang sikat. And then we looked for a table, ordered sprite and cheese sticks, although kumain na kami ng masarap na home made burger steak at mashed potato sa bahay ng kaibigan ni Viva – kaya kami late.


Sobrang galling nila. As in I can still vividly replay their performance in my head. They weren't just rockers, they were ture musicians. So, ano'ng pinasasabi ko? ibig kong sabihin, kitang kita yung dedication nila sa music, sa band nila. As in you can se that they're passionate about it. Jayjay was so giddy, so energetic and all smiling. He kept on looking at Viva, hindi sa nagfeefeeling pero nakikita ko talaga eh. Rocky (the drummer), for me, ay ang pinaka-obvious na- talented exhibition ng drumming skills niya ang gabing iyon. Sobrang lupet. Ang bilis ng kamay. Pepewas kind off low key pero he still shined, complementing Jayjay's vocals. Lakan, the keyboardist was terrific. Nagawa niya ng pangarap kong gawin – yung i-sa-slide yung kamay sa buong range ng keyboard. Gets? Basta, lupet.


However, seeing Louie perform was a lot different because I see him in school. And he was an entirely different person in school and on stage. In school, Louie's so quiet, just staring his beautiful (swear, sobrang ganda) eyes at everyone. He's soft spoken and rarely hangs out. More like of Hua Ze Lei in Meteor garden. But on stage, he was different. He kept on dancing and singing and doing *the things he does* with his bass. And he surely rocked. Sabi nga ni Viva, Louie was the hottest. Naks. Kakaiba yung energy level niya, sobra.


We thought we won't be able to see them after the set. Thank goodness nawiwiwi si Viva. At swak! Nag-CR din sila! The CR was full so I stepped out, after all, di naman ako nawiwiwi. When I was waiting, someone called me. Yung boses na lagi kong naririnig sa school na nag-ha-hi sa akin. The person wore a green shirt, favorite color ko. it was Louie – with Rocky and Lakan. Louie went toward me and smiled. Awwww. He was so cute. Hindi ko siya crush. Promise. He asked sino kasama ko and made daldal all the way! He introduced me to Rocky, who was wearing a john Lennon-ish circular specs. An suddenly, I remembered my glasses. Agh. Rocky was friendly and warm. Pero hindi ding-giddy ni Louie. Pinakilala ko si Viva after.


When Viva and I were going na, I bumped to Joaquin Valdes, their former manager, since brother na ni Joaquin nagmamanage. And I said hi and greeted me belated happy birthday.


I peeked into the artists' lounge and called on Rocky to formally say buhbye. And then Jayjay saw me and extended his hands, saying:"hi, cj."And then I pulled Viva over, nahihiya pa kasi kay Jayjay e nagmeet na naman sila dati. Ehem. So there, rocky shook hands with me and Viva, pati si Jayjay.


Viva and I went out Bagaberde to wait for the car. But scary mama were fast approaching so I told her we come back to Bagaberde’s entrance door. Para may bouncer. And then Viva suddenly poked me. Poof! Andun si Jayjay. He came up to us. Small talk smooth talk.


Jayjay: Hi

Cj and Viva: Hi.

Jayjay to viva: Are you from AA?

Viva (blank): No

Jayjay (whisper): you look like someone I know…

Jayjay to me: so, san kayo after?

CJ: Uuwi na.

Jayjay: Wala ng g-mik. (g-mik talaga sabi niya)

CJ: Yup. I’ll teach kids pa early in the morning.

Jayjay: teach what? Magbasa e dib a nagpepaint ka.

CJ (weirdo look): Malamng painting, ‘to naman eh.

Jayjay: sorry… hehe. So pano kayo uuwi?

CJ: Car.

Jayjay: Mo?

CJ: No, car ni Viva. (diverts Jajay’s attention to the stammering little princess)

Jayjay: Oh.

Viva: Ayun na yung car.

Cj: HeY, buhbye na.

Jayjay: No, hated ko na kayo.

*Viva was quiet the whole time. Bakit kayaaaaaaaa...

Jayjay, held Viva's back.

Jayjay: So, san kayo nakatira.

*Eto na ang champion na sagot ni Viva...

Viva: Si CJ sa Malabon.

CJ: Ah… si Viva sa Caloocan.

Jayjay: oh, Malabon, sa Manila.

CJ: Naman. Malabon is a city.

Jayjay: Ooh.. Ang layo nun ah.

CJ: Onga.

Jayjay: sweet ninyo naman…


*We were in front of the car na. Viva opened the door. When we were about to put ourselves in the car… jay reached for my rist at bumeso. He held Viva’s shoulder at nakibeso din. WOW. Even I was shocked. We said "byebye" to him and Viva pushed me in the car.


Hay. What a night. Cuteness.

trial

welcome.