pasintabi.

malapit ng matapos ang sem, bilang na ang kaniyang mga araw. subalit habang papalapit ng papalapit ang inaasam-asam kong panahong iyon, maraming kapalit na kailangan ibigay. hindi na nga ako magpapaligoy-ligoy pa. pakshet. marami akong final plates. hintay lang mga chong. marami akong nais isulat subalit ang panaho'y parang mga butil ng buhangin sa palad ko.

pangako.

kuya ryan, hintay lamang po.=)

Strike.

Na naman.

At nakakabwisit. Hindi dahil walang masakyan. Sa akin, ayos lang maburo sa bahay. Ang nakakainis ng sobra ay ang hindi pakikiisa ng mga kolehiyo't paaralan sa strike ngayon. Bakit tila wala silang konsiderasyon sa mga mag-aaral nilang commuters?

Hindi dapat ibaling ang sisi sa mga jeepney drivers na on strike. Gumagawa lang sila ng paraan para mansamantalang mapigilan ang panggagagong harapang ginagawa ng mga oil companies sa buong bayan. Ewan ko, pero sa ngayon, kampi ako sa mga jeepmey drivers. Wala na naming ibang paraan eh, kundi magstrike. Meron pa ba? Iapila man natin sa so-called gobyerno natin, may magagawa ba ang pangulo nating may sariling problema sa ngayon? (Hello. Garci.) Wala na ngang concern ang pamahalaan, tayo parin ba, walang concern? Aba. Kung hindi tayo magrereact sa pagpatuloy na pagtaas ng gasoline, pero hindi naman tumataas ang mga sweldo, goodluck sa Pilipinas.

Nakakainis ang katotohanang walang konsiderasyon ang mga paaralan, lalo na ang mga propesor sa kolehiyo. Nakakatawa kasi yung katwiran nilang bakit sila, nakakapasok kahit may strike. Hindi naman kasi nagmumula sa isang lugar ang mga mag-aaral. Paano na lang kung halimbawa, walang gaanong nagstrike sa may Makati, at doon galling ang guro. Pero sa Maynila, kung saan manggagaling ang estudyante, wala ng masakyan. Sige nga, how is that possible.

Hindi rin ba nila naiisip ang hassle na susuungin ng mga estudyante. Ang hirap sa pagsakay, ang oras na nasasayang, ang perang nalulustay. Bakit hindi man lang maipahiram ang isang araw na minsan man lang, magkaisa tayo sa pag-aksyon sa isyung dapat aksyunan. Bakit kapag highly political na issue, sige, sugod sa EDSA, walang pasok dahil lahat tayo magmamartsa. Pero kapag tungkol na sa gas, na mas dapat bigyang pansin, wow, we are united in apathy.

Insensitib.

Image hosted by Photobucket.com

Akala ko, nagretiro na ako sa mga panahong may iisang mukhang di mo maialis sa iyong isipan. Na kahit kalugin mo pa ang ulo mo, literal, o ipikit na mariin ang iyong mga mata, naroon parin ang kaniyang mukha. Ang mga kilos niya ay parang naka-loop playback sa entablado ng iyong isipan. O para bang isang yugto sa buhay ng paborito mong teleserye na inuulit-ulit mong alalahanin kahit tapos na. Napakalinaw. Bawat salitang sinambit ay parang skrip na saulo mo kahit himbing na ang iyong diwa.

Nakakabagot. kung maari lang magpa-opera upang maipatanggal ko ang ala-ala ng iyong mukha sa aking isipan, gagawin ko. Kahit limampung milyong piso pa ang bayaran ko.

Ngunit ang kaibahan nito sa nakaraan kong karanasan ay hindi ko na itinatanong pa ang sarili ko kung ano ba itong nararamdaman ko. Iisa lang naman ang sagot. Crush ko siya. Hay, nahuli yata ang aking pagdadalaga.

Iba ang mahal sa crush, dib a? Kaya labas sa isyung ito ang pinakaiibig ko. Iba siya. Maaring isandaang lalaki ang ituktok ko sa pedestal ng aking isipan (crush, ika nga) ngunit wala ng iba pang maari kong yakapin sa aking mga bisig. Nag-iisa lang siya.

Pero yun nga, may ibang mukha at ngiting humihiram ng aking mga sandali sat wing ako'y nananaginip ng dilat.

Ilang taon narin ng huli kong naramdaman ito. Ang mga maliliit na bagay, galaw o salita ay saksakan ng halaga para sa akin -para bang nagpipiyesta ang puso ko. Isang ngiti, o kahit isang pagkurap ng kanyang magagandang mata, para bang maari na akong mawalan ng hininga. Paano pa kaya ngayon, ngayon na ang pisngi ko ay minsan na niyang hinagkan, ang braso ko ay minsan naring nahawakan at ang mga saloobin ko'y talaga niyang pinakinggan? Paano ko pipigilang di ito isipin.

Masaya nga sa una, ngunit sa itatagal nito, mapait. Alam ko. Nakakaloka pa.

"I really should have known
by the time you drove me home
by the vagueness in your eyes
your casual goodbyes
by the chill of your embrace
the expression of your face, told me
maybe you might have some advice to give
on how to be insensitive"

-Insensitive by Jann Arden