may mali.

hay. it's 4:01 in the morning. ay 4:02 na pala. Maya-maya 4:03 na. Lumilipas ang oras, di ako makatulog. Nalulustay ang internet acccount ko, di parin inaantok. aaaagh. Kung saan saan na ko nagsurf. Friendster. Friendster. Friendster. Blogspot. Xanga. Lahat na. Wala akong kaYM. rawr. Nasan si Alex? Tulog. Humihilik. Damang-dama ng bago niyang kabit na braces ang hininga niyang matagal ko ng nais malasahan. Hay. Ang dami ko ng inisip. Iniisip. Wow. Sabog. Para akong nakatira ah. Di lang ako kumain ng hapunan, daig ko pa ang lasing. Maski si Czher give-up sa kagisingan ko. Sinong hahamon? 4:07 na. Ang bilis ko magtype. Nga pala, natawa ako sa post ni James Gabrillo. Sabi niya eto o:

Me: Nakita ko si Champ kahapon.
Kim: Yung hamburger na mascot sa Jollibee?
Me: Um, oo.

After five minutes.

Me: Si Champ, yung may banda.
Kim: May banda na ang mga mascot ng Jollibee?

After a few seconds.

Me: Oo drummer si Hetty, tapos si Chikee sa bass.
Kim: Ang galing nun, a!

Tawa ako ng tawa. Pero mag-isa ako. Nasisiraan na ako. Buti pinatay ko yung aircon, kundi sayang lang, di naman ako sound asleep. Ano nga bang mga bagay ang nagseset ng parameters ng pagkaTAO ko? Ano bang tama sa mali? Bakit ang arbitrary ng mundo?

At bakit walang makasagot sa tanong ko.

Patawarin ninyo ako. Insomia ba ito?

Napaisip tuloy ako.

Kakadalaw ko lamang sa hayskul ko, sa St. Scho Manila. Inimbita kasi ako ng aking nanay (petname lang, okay), si Ms. Louise para turuan kung paano gumuhit ng portrait ang mga nag-eelective ng Visual Arts. Hay, pag-apak na pag-apak ko sa Pergola, tila naririnig ko na ang boses ng mga kaklase ko (pero karamihan sa kanila asa La Salle na) sa gate one. Habang ako ay papaakyat, para bang nadama kong muli ang pang-aapura ng tililing ng bell. Tumakbo rin ako, kasabay ang mga dalagang naka-uniporme. Pag-akyat ko ay dali kong tiningnan ang club board, hay, art club. Miss ko na ang walang humpay naming kulitan at kwentuhan. Tinanaw ko ang mga third year sa may counters, nag-eensayo ng cheer para sa Intrams bukas. Ang mga junior talaga. Hay, ang junior year ang taon ng ligaya. Gawin na ang lahat ng kalokohan, dahil sa susunod mong taon, para bang limang araw na lang ang itatagal mo sa hayskul.

Na-miss ko ang St. Scho. Namiss ko ang hayskul.

***

Napanood ko ang Kontrobersyal kagabi, yung tungkol sa child prostitution sa Navotas fishport, yung CPR at yung pagiging liberated daw ni Chx Alcala, yung bagong evict ng Pinoy Big Brother.

Yung sa child prostitution, kahit sa isang anggulo lang, tila naunawaan ko kung bakit nila nasisikmurang magbenta ng katawan sa mura nilang edad (Chong, mga 12 at 14 years old lang sila). Napagdiskusyunan pa nga naming ni Alex yan. Sabi niya, mahiya naman daw ang mga magulang nila - bakit daw hindi ang mga magulang ang gumawa ng paraan para mayroon silang makakain sa araw-araw. O kung wala namang kakayanan ang magulang, bakit di raw sa negosyo o pagbebenta o sa ibang trabahong marangal kunin ng mga bata ang pera. Bakit daw di nalang si magaral? Napaisip ako. Paano naman kung talagang mahirap ang buhay nila. Una, kung magbebenta sila o maglalako, kailangan nila ng kapital, saan sila kukuha? O kung marangal ang trabaho nila, makakasigurado nga tayong malinis ang paraan � ngunit mabagal. Kahit pa sabihin nating kumikita sila, marahil hindi sapat ito sa pagkain, edukasyon, kuryente, tubig at marami pang iba.

Bagamat nalulunos akong malaman ito, kahit papanano ay hanga ako sa katapangan ang pag-ibig ng mga musmos na ito. Nagawa nilang ipagpalit ang mura nilang dangal para lamang maitawid ang buhay ng kanilang pamilya. ang problema lang, sa maling paraan.

Ayokong mag-react sa CPR at kay Chx, baka patay na ko bukas pag nag-react pa ako.

***

Nung isang gabi, napakalungkot ko. Pero di dahil kay Alex. Mas malalim pa kaysa sa romantikong pag-ibig ang pinaghugutan ko nito. Naisulat ko lang ang mga wikang ito:

"Reality really bites, noh? Reality is like pinching yourself to wake up from a dream. What dream? That love is the greatest thing on earth. Is it? If it is, then why would Love not save those who suffer?"

Quizzes. Haha. La magawa.

Tootsie Roll Pop

It only takes three licks to get to your center!


Haha. Masaya ako. Paborito ko ang lollipop. yeehee. Gusto ko ng lollipop!

You Are 70% Boyish and 30% Girlish

You are pretty evenly split down the middle - a total eunuch.
Okay, kidding about the eunuch part. But you do get along with both sexes.
You reject traditional gender roles. However, you don't actively fight them.
You're just you. You don't try to be what people expect you to be.


Okay. Sige na nga. Boyish na.

Slow and Steady

Your friends see you as painstaking and fussy.

They see you as very cautious, extremely careful, a slow and steady plodder.

It'd really surprise them if you ever did something impulsively or on the spur of the moment.

They expect you to examine everything carefully from every angle and then usually decide against it.


Haha. True. Ask Viva or Alex.

Sa uulitin!!!

Soiree.

Sa isang araw, kay raming beses bumabalik sa aking mga ala-ala ang hayskul. Napakulay kasi ng buhay noon. Masaya, malungkot, corny, baduy, jologs, conyo. Lahat na yata ng emosyong pinapakita ng mga chick flick at romantic comedy, naexperience ko noong hayskul.

Hindi ko itatangging isa ako sa mga dalagang maraming angst sa buhay. Isa na doon, ay ang social life. Ano nga bang social life naming noon? Isa na doon ang soiree. Wah, soiree. Sa sandaling marinig ko ang salitang yan, sumasama ang loob ko. para bang sinalaksak mo ang bibig ko ng isang sandok ng suka. O kaya para bang itinulak mo ako pababa ng bundok apo, nagpagulong gulong ako pababa ng Marianas Trench. Ganon kasakit. Blag.

Hay soiree. Opinion ito, hindi ko sinasabing totoo ito. Marahil kalahati ng sasabihin ko, produkto ng angst ko.

Sa soiree, ang magaganda ko lang na kaklase ang visible. At ang mga tulad ko, para kaming mga paintings, kusang sumasabit sa dingding ng bahay na pinagswasoireeyan. Ang mga babaeng mahaba ang buhok, mestiza o chinita, kurbada ang katawan at maporma ang tanging nakikita ng mga lalaki. Hindi ako galit sa mga kaklase kong maganda. Hindi nila kasalanang mas maganda sila o mas interesante. Ang nakakainis, bakit kailangang maging discriminating ng IBANG lalaki. Sige, karamihang ng lalaki.

Yun lang. Isa marahil ito sa mga pangit nap arte ng hayskul. Pero yun nga, napapaisip ako, sat ala ng buhay ko, isang lalaki lamang ang bukod tanging nagustuhan ako ng wala akong effort na ginawa. Nakakapagod kasi minsan magpakadiscreet para lamang ipakilala mo ang sarili mo sa lalaking nais mong maging kaibigan. Minsan pa, masyadong feeling, akala, gusto mo ng syotain. Basta, yun. Nakakainis lang, sa tuwing naalala ko, ang mga lalaki noon, parang tubig na kailanman, di ko kayang mahawakan ng matagal. Lahat sila, ang hirap kaibiganin. Kasi ang gusto nila, maganda.

Pero tama na. Naisip kong di ko dapat ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Kung ayaw nila, hindi ko kawalan iyon. Kung nagustuhan man nila ako, di umamin, mas kawalan nila.(yabang ko. shet.) At kongrats sa tanging lalaking nakayang magpakatotoo sa akin. At dahil doon, mahal ko siya.

Grabe. Kung sansan napunta usapan, noh.

Sa wakas.

Sa wakes ay nabago ko nain ang makalat na lay-out ng aking blog. Sana'y masiyahan kayo sa bagong lay-out!
***
Anyway, bukas ay last day ng aking pagpunta sa paaralan sa buwan ng Oktubre! Yehey!!! Magsusbmit lang naman ako ng kahuli-hulihan kong plate sa photography. (Sana isauli ni ma�am, gusto ko kasi ang mga kuha ko.)

***

Sa twing nasa jeep ako at pauwi, marami akong bagay na naiisip. Marahil isa na sa pinakamakabuluhan ay ang pagkakatanto ko na inversely proportional ang time o oras sa halaga ng pera. Wow. Profound. Pero isipin natin sa simplend paraan, gusto nating mapabilis ang biyahe, magkotse o magtaxi na lang. ngunit sa kabilisang ito, magbabayad tayo ng mahal. At aminado akong isa ako sa biktima ng simpleng halimbawang ito. Maraming beses ko naring piniling gumastos ng P300 araw-araw kasya sa kulang mga p50 para lang mas mabilis. Pinipili kong magkotse't payamanin ang mga garapal na oil companies - dahil lang sa oras. Mas hinahabol natin ang oras, mas malaking pera o yaman ang nawawala sa atin. Di ba?

Hay. hanggang ditto nalang muna. Kailangang di ko sayangin ang oras ko, magpipinta na ako, para may pambayad sa gasoline.

Ang buhay ay napakawirdo.