Nag-init ako.

Nagising akong pawisan, sa gitna ng mga hampas ng mga kumot at unan sa tila karagatan kong kama. Nadarama kong kay hapdi sa tuwing ako ay lulunok. Hirap na hirap ako.

Sinadya kong pagdampiin ang mga labi ko. Para ba silang namamaga sa init, ngunit tuyot. Hinaplos ko ang aking leeg, tingangkang damhin ang aking buong katawan. Sadyang napakainit ng aking pakiramdam.

Nag-aapoy ako. Nag-aalab ang loob ko. Bawat tulo ng aking pawis ay tila umaaso.

Para bang mayroong lalabas mula sa akin. Ang alam kong malapit na.

Malapit na. Ayan na. Ayan na.

Lumabas na nga ang malabnaw na likido, sabay sa aking pagkahol na parang aso.

Shet. May sipon, ubo, tonsilitis at lagnat pa ako.

huling huli.



Kinuhanan ko ng larawan ang walang kamuwang-muwang kong kapatid. Nakakatuwa kasi't mukhang enjoy na enjoy sa bubble gum!

Maliit na butas lumalaki...

7:00 ng umaga. Nagmamadali akong akyatin ang ika-apat na palapag ng bagong gusali ng CAL. Ang lamig ng hangin at tila ang bango pa nito, amoy Downy na hinaluan ng tubig. Masyado kasing matapang kapag Downy lang. Pero wala na akong oras, ayoko atang mahuli, sa unang araw ng klase.

Pucha. Wala na namang prof. Kagaya ng karaniwan kong ginagawa, naghintay ako. Nagkalikot ng bago kong cellphone. Naku, feeling astig ako kasi may MP3 player yung Hello Moto kong bago. Isinukbit ko ang buhol-buhol na headphone sa aking taenga. At kumanta na si Tori Amos ng "A Sorta Fairytale".

Mapag-observe ako. Tingin ako ng tingin sa paligid, walang pakialam kung nacoconscious na sa akin ang mga tinitingnan ko. Tiningnan ko ang kaklase kong basa ng basa ng makapal niyang nobela. Tiningnan ko ang kaklase kong tsinitang napakadaldal (as in kwinento niya lang naman yung istorya ng Flight Plan. O diba, spoiler?). At tiningnan ko rin ang bago dating na lalaki. Di katangkaran, payat at may braces. At sobrang kamukha niya si Kit. Shet. Kit, is that you? Pero lumabas siya ulit.

Tapos, biglang may babaeng tawa ng tawa. Potah. Si Taka! O, si Rowen, ang kaibigan naming ni Taka na kamukha ni Ace Del Mundo, yung drummer ng Orange and Lemons. Kaya lang si Rowen, bahista. Ayun. Shet. Kaklase ko si Taka, din a kami napaghiwalay.

Lumabas si Taka. Ilang segundo ang lumipas, lumabas naman Rowen.

Pagkalabas nila, pumasok yung lalaking nakita ko kanina. Tapos umupo siya sa tecaher�s table. Gago to ah, lakas ng trip. Lagot to pag dumating yung prof. Naisip ko. Tapos, bigla siyang ngumiti, pinakutitap na parang chirstmas lights ang braces niya. Hay pasko na. Tapos, binuklat niya yung neon green niyang clear book. Shet. Grabe. Ang galling neto ah. Di man lang natatawa. Galling umarte. Lakas ng trip.

Naku, umpisahan ko na ang klase, baka magsialisan pa kayo eh. Umalis na yung dalawa. Sabi niya.

Naglabas siya ng listahan at tumpok ng class cards. Shet. Totoo ang nakikita ko, titser ko siya.

Buong akala ko ay kaklase ko siya. Prof ko pala siya.

Mali man ang akala ko, may isang totoo sa mga inisip ko sa kanya...

Lakas ng trip niya.

Ako ay baliw.

Ang mga nakaraang araw ay puno ng kalungkutan, pagkainis at iba't ibang klase ng negatibong emosyon. Halos bawat gabi, nababasa ang aking mga unan. At sa bawat paggising ko, tila kasingmata ko na si Heart Evangelista.

Nabaliw yata ako, nakabalik lamang sa tamang ulirat. Kay dami kong iniisip, dinadamdam, mga tanong na nais matanto ang sagot, mga bagay na gusting baguhin pero wala ng pag-asa.. mga bagay na pilit kong inuunawa. Para bang walang hanggang habulan, kahit anong bilis ko, kailanman, di ko mahahabol ang tunay na kahulugan ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko. may mga tao ring kay bilis o sadyang kay bagal, di ko mapantayan.

Baliw, ako ay baliw. Baliw sa pagiging isang mabuting tao. Pilit kong pinapatag, pinapantay, binabalanse ang buhay. Pero ang buhay yata, parang hi-way sa Pilipinas - tambakan mo man ng aspalto, pantayin mo man ng paulit-ulit, mag kaka lubak parin.

Kakaiba akong mabaliw. Insecurity attack. Walang karason-rason na pagseselos. Dinidikdik ko ang aking sarili para maging "ang pinaka". Pero, wala rin, heto ako�t di parin masagot ang sarili kong mga tanong.