Whatta Christmas Eve.

Hay. Pakshet. Who says it's Christmas? Agh. Annoying Sun Cellular Network. I converted my p150 regular load for a Call and Text Unlimied for one week. So that makes my p150 p50 nalang. And they were triumphant to steal my p100 away from me, without giving me the chuvanumber and the pin so i can load my 24/7. Nice Christmas isn't it. Jay-R, gusto sana kita kalbuhin pero kalbo ka na so i'll just pull off all your nose hair using chicken wire cutters. Wahhh. I am in madness. Give me back my p100.

If only I knew they'd steal my 100 pesos, ng hindi ko nagagastos, i could have just added that p100 to the p150 i spent for hot-oil. Edi sana, nag-hair spa na ako. Raaarrr Jay-R and stupid Sun.

But the worst thing is, i couldn't give it up coz Alex has a Sun subscription for two fucking years. Wah. Two years of stupid network. Pero hala, in the end, i'll still use Sun. I know.

Alex texted me there's a possibility he can't come tomorrow. Whatta year, 2005. Shyet you.

Thank God for James. Boring nights of surfing the net becomes fun.

***

Tagged by James

Five Jobs You Dream To Have In The Future
1. Art Director in an Ad Agency
2. Movie Director ala Marilou Diaz-Abaya caliber
3. Food Critic
4. Columnist ng isang pop culture section (James, nagpaparinig ako! Joke.)
5. Singer, ala Michelle Branch. (Okee. Dream on Cj. You don't even know how to play the guitar.)

Five Short-Term Goals
1. Make my photography plate well. Nightshots amp.
2. Not eat too much ham.
3. Actually follow my diet plan. (Sige, give me three days, i'd forget it. Wah.)
4. Buy Bluetooth USB.
5. Buy concealer.

Five Best TV Shows in the Universe
1. Meteor Garden 1 (one laaaaang!!!)
2. Takeshi's Castle (tama ka, James)
3. MaskMan
4. Blind Date (laugh machine.)
5. Iron Chef (yung Asian. the american's too formal.)

One Thing That's Not Making You Happy
Sun Cellular.

One Thing That's Making You Happy
Christmas ham.

I tag everyone.

LANTERN PARADE

Para akong naglayas at nag-board sa UP FA ng isang linggo. Tanungin mo man ang mama at papa ko, halos di nila ako nasilayan sa bahay. Sa loob ng isang linggong walang tulog, pinagsawaan ko rin ang mga no-cook noodles ni Manang Babes at walang kaparam-param na fish balls, chicken balls, siomai at cheese dog ni Manong Nes. Nakaimbento na nga ako ng recipe ng Garlic rice, para lang huwag pagswaan ang araw-araw na pagkain. Buti rin ay di ako nagtae kaka-C2. Ayoko nung One eh, lasang synthetic strawberry.

Halos inaway ko rin lahat ng kaklase ko. Patawad Nikki. Of course, nag-eexaggerate ako. Basta, nakita na ng mga kaklase ko kung paano ako mawala sa mood, mabangag, masabog, mafrustrate, mahectic at maluha.

Maraming pinagdaanan, para lamang magawa naming to! Tingin sa baba!!!


Heto ang aming lantern!

Hay, effort i kuya jerome!

Ayan. Benta. Dami nagpapapikchur!

Hala, sige, tulak. Ikot.

Tulak, again.

Fly, fly, fly dikya!

Mga Larawan kasama ang aking mga kaklase.

Class pic.

Taka, ang aking FA bestee.

Lupet ng headgear ni Abi.

Nikki, ang sweet.

Bernice, is that you?

Tepai: ang promotor ng kaGANDAHAN ng aming float!

Pagod, pero sulit!

Aww.

Kasama si Alex. Kahati ko, at ng aking mga kaklase, sa hirap at pagod. Full support.

At may dumalaw sa kin. Sarah and Angelee. Awww. (Actually, may iba pa pero ayaw niya sumama sa picture!)

Hay, kahit nakakapagod, masayang masaya naman ang Lantern Parade. Kaya dun sa mga ibang tao, especially ang ibang UP students na nagsasabing non-existent ang Lantern Parade, maconstipate na kayo! Hah, di ninyo lang naisip kung gaano ang hirap naming. Pero salamat sa mga taong nanood, sumoporta at naniwala parin sa magic at ganda ng tradisyong ito. Too bad nga lang, FA na lang ang nagparada, cost-cutting kasi ang ibang colleges.

Masaya rin kami, ang section ko, pati si Alex (na nag-overnight din at sumama sa hirap naming! Bayani!) dahil kami ang first place. Wahoo!!!

Merry Christmas mga chong!

Ang di pumunta, panget. Joke lang.

Sugat-sugat ang mga daliri ko. Ang paa ko ay tila namamabaga sa sobrang kakatayo, kakalakad at kakatkbo. Sa likod ng isipan ko ay narron ang takot na baka maaga akong magka-varicose veins dahil sa ginagawa ko. dama ko ring pumayat ako ng di oras. (In that case, okay yun.) Pagtingin ko sa salamin sa CR, habang naghuhugas ng aking kamay, sabay sa pakikinig sa lagaslag ng tubig mula sa gripo (na parang tunog ng Asian na horror movie.), waaaaah! Ang itim ng mga mata ko, di yata kaya ng powers ng concealer ito!

Pagod ang mababakas sa akin. Mula ulo hanggang paa. Ngunit kita naman sa aking ngiti ang aking kasiyahan. Nag-eenjoy ako sa ginagawa naming. Pagpitpit ng mga alambre, paglapat ng mga rattan, paggupit ng chicken wire(malupet ako dyan!) at pagpepaper mache.

Masaya ako, maraming dumalaw sa akin, nakisama sa hirap at saya ng lantern parade.

Una, si Alex, ang aking ever mapagmahal boypren. Naki-over night, naki-puyat at nakihati sa mga hirap naming lahat kahit may choice siyang huwag akong tulungan, mag-enjoy sa bahay.

Dinalaw rin ako ni Sarah at Jj. Sweet. Yun lang. Namatay ang mga langgam, na-overdose.

Nakilala ko narin ng personal si Aya, ang kaibigan ni Alex, na kabarkada ni Kristel na ex ni Alex. Wow! Masalimuot, parang friendster. Pero mabait siya, kalog. Di niya ko kinain, di tulad ng iba. Ngayon, napatunayan ko, ang mga magkakaibigan, di necessary na pare-pareho ng ugali. Sa isang barkada, may mabait, may mukhang mabait pero bulok.

Hay. Masayang araw.

Pumunta kayo sa lantern parade!!!
DECEMBER 15, 2005. 6PM. UP DILIMAN ACAD OVAL.

pakshet.

it's lantern parade season. idagdag pa ang mga plates. at ang internet prepaid kong palpal.

i'm typing this in school. hay.

patawad, hinfi ko ma-i-post ang nais kong sabihin sa inyo.

maybe next time, kapag tapos na ang kahectic-ang ito.