Luho galore.

Ang dami kong gustong bilhin, pero parang lahat sila nasa likodbahay sa utak ko. Para bang sa mga oras lamang na tulala ako, don ko sila naiisip. Lahat sila. Wah.

Yellow-based concealer. Superduperadiktentimes ako sa concealer kasi nakakainis yung eyebags ko an gang seasonal blemishes at pimples. Gusto ko sana yung sa Shu Uemura kasi sobrang effective. Tatlong dots lang, ha, burado na ang mga di kanais nais na mga bagay sa mukha mo! Hmm. It�s like photoshop in a bottle, or a tube. Hehe. Pero pwede narin yung sa Beauty Bar, yung Japanese Rice powder chuva yung tatak. A lot cheaper alternative. Pero umaasa parin akong maatim kong maglabas ng isang libo mahigit para sa concealer.

USB Infrared Dongle. Bakit di Bluetooth, e mas hi-tech? Ayoko nga. Naglipana ang virus thru Bluetooth eh. At kaya ko gusto gusto nito ay para mawala ang pagnanais kong bumi ng cellphone na may USB socket, na may libreng USB chord, parang 6630 o kaya Samsung S720.

mp3 player na mas maganda sa aking current � ang Creative MuVo na 256MB. Actually, binili ko siyaout of practicality, flash drive and mp3 player in one kasi. Pero gusto ko sana ng Creative Zen Neon, yung 5GB. Para siyang iPod Nano pero mas mura, kasi kapresyo niya yung Nano na 2GB.

Closet o cabinet kasi gusto ko ng i-evacuate ang lahat ng damit ko mula sa cabinet ko sa ikalawang palapag ng bahay. Nangnenenok ng damit si mama eh.

Girly shoes. Pucha naman kasi, pansin ko lang, kung di ako nakaChucks, naka tsinelas ako. Salitan lang, wala ng iba. Gusto ko sana gold na wedge, beige na wedge, black na wedge. Wedge? Kasi di kaya ng powers ko magheels.

Lingerie. Kung may isang bagay akong pinagkakagastusan, eto na iyon.

Girly tops kasi wala akong girly tops. Limampungmilyon na yata ang itim na tshirt sa closet ko. I want to give myself a break � gusto ko mag halter (yung hindi body hugging) or mag tunic or whatever. Basta hindi t-shirt!!!

Hair dressing set, as in yung hair iron, hair curler, crimper, hot brush na all in one. I need another p1,500.00! Haha. Ayoko bumili nung tinagge-ish eh, baka makasira ng buhok.

Hair color. November pa lang, iniisip ko na to. Lagi lang napopostponed.

At ang pinaka-unnecessary kong gusting bilhin na maski ako, hindi ko bibilin for myself�

Nokia 6630 o kaya Samsung S720 o yung slide up na black. I am not dreaming nor wishing for an N70 or a more "glamour" phone. Okay na sakin yung may USB connectivity. Pero hello, pwede namang infrared dongle nalang. Haha.

bagot?

Nagtataka lang ako kung ano ang mali sa aking PanPil17 class. Ang readings ba? Ang guro ba? Ako ba? O ang method niya? Kasi kung ako, dapat, mas nagrereklamo na ako tungkol sa PE 1, dahil iyon, undeniable, BORING. Hindi ko alam.

Siguro, nababagot ako dahil may hinahanap ako sa Pop Culture class na iyon. Sadyang napaka kritikal kasi ng atake, napakasiyentipiko, at napakapalasak ng mga halimbawa. (O baka sa akin yung mali kasi di ako maka-GMA7. Hindi ako maka-relate sa mga halimbawa ng guro tulad ng Mulawin, ng Encantadia at ng kung anu-ano pang hindi ko alam.) Basta. Naiinis ako kasi para bang lagi lamang sa iisang direksyon nauuwi ang usapin ng kulturang popular - sa komersyalismo, sa kapitalismo.

Negatibo diba? Parang nakakahinayang naman yata na imbes na matangkilik ko ang kulturang popular ay isuka ko pa ito. Sino ba naman ang gaganahan kung malalaman mong pineperahan ka lang ng Nokia o ng Apple dahil ginagawa nilang pangangailangan ang makulay na cellphone na may camera at ang mp3 player na libu-libong kanta ang kayang patugtugin. Pero sa katotohanan, di naman. Tama naman ang punto, pero hindi ko na ma-appreciate ang kulturang sumasaklob sa akin.

Siguro rin, kaya nababagot ako kasi taliwas ang pananaw ko, lalo na sa puntong ang kulturang popular daw ay ang lowbrow culture. Napaisip ako, e ano ang high culture? Nakakalungkot lang na dahil dito, lalong lumalawig ang agwat ng mayayaman at ng masa. Parang mas gugustuhin pa ng masa na humiwalay ng kultura mula sa mga so-called elite. At gayun din ang mga high class. Di ba nakakabagot iyon?

Isa pa, kahit na sukahan pa ako o sipa-sipain ni Viva (dahil ayaw niya sa ideya ng "that's so post-modernist!") sasabihin ko paring nasa panahon na tayo di lamang ng post-modernismo, kundi nasa panahon na tayo kung saan nakahaing parang buffet sa debut ang mga ideya, kaisipan, teorya at marami pang iba. (na tila wala na tayong bagong maiisip o maiimbento pa. Malas noh? If I know, kung kasabayan lang natin sina Eistein o Da Vinci, naisip rin natin ang naisip nila.) At dahil sa walang hanggang dagat ng karunungang nasa harapan natin, nalulunod tayo at di mawari ang gusting paniwalaan o hindi. Confusing!

Kaya ayun, maraming anggulo at aspeto (Sir, wag ka ma-offend, pero "aspeto" talaga ang Filipino ng aspect. Hindi po aspekto. Sana, hindi mo siningitan ng laksa-laksang titik K ang inakalan mong typo error ko.) ang pagtingin sa mga bagay-bagay. Kaya nga�t nakukulangan ako sa pag-aaral naming ng kulturang popular.

Hindi ko naman magawang hindi sumang-ayon, kasi marami parin akong hindi alam sa pinag-aaralan ko. at takot akong ma-offend ang guro. Nahihiya pa ako. Hassle pa.

Marahil na sa akin ang problema.

Pero alam ninyo, napagtanto ko, after all, hindi siguro ako BORED. Naisip ko, labis nga akong nakikinig eh. Pano ko kaya nasabi ang mga ito kung hindi ako nakinig kay sir?

quizzes. fun.

August

Loves to joke. Attractive. Suave and caring. Brave
and fearless.Firm and has leadership qualities.
Knows how to console others. Too generous and
egoistic. Takes high pride of oneself. Thirsty
for praises. Extraordinary spirit. Easily
angered. Angry when provoked. Easily jealous.
Observant. Careful and cautious. Thinks
quickly. Independent thoughts. Loves to lead
and to be led. Loves to dream. Talented in the
arts, music and defense. Sensitive but not
petty. Poor resistance against illnesses.
Learns to relax. Hasty and trusty. Romantic.
Loving and caring. Loves to make friends .


What Does You Birth Month Reveal About You?
brought to you by Quizilla

*coolness ito ah. ledyo accurate. maybe except for the romantic part. sa pagkakaalam ko, at according narin s mga tao, anti-climactic ako. teehee. At oo, sakitin ako!

Your Birthdate: August 1

You are a natural born leader, even if those leadership talents haven't been developed yet.
You have the power and self confidence to succeed in life, and your power grows daily.
Besides power, you also have a great deal of creativity that enables you to innovate instead of fail.
You are a visionary, seeing the big picture instead of all of the trivial little details.

Your strength: Your supreme genius

Your weakness: Your inappropriate sensitivity

Your power color: Gold

Your power symbol: Star

Your power month: January


*Sensitib ako? wahoo.

Alex's new blog!

hey guys! ginawan ko na ng blogspot si alex! hehe. i'm proud! i made it for him.

http://www.alexcarbon.blogspot.com

check it! NOW! hahaha.

2005, babay.

Nabuksan ang isipan ko sa maraming bagay, marami akong napagtanto at natutunan. May mga tao rin akong nakilala, mas lubusang nakilala, at too bad and sad, may mga taong tila lumimot na sa akin (kaya, marahil, limutin ko na rin) at mayroon din namang talaga lang naka-aaliw. (Sa sense na masaya at nakakaasar. May mga usapin din namang buong bayan ang nakakaalam, mga taong popular, na sadyang nakuha ang atensyon ko.

2005, marahil natuto ako sa pera. Kahit sino marahil ang tanungin mo, kuripot ako. O kung irerephrase nila sa mas positibong label, practical ako. Napagtanto ko na oo nga naman, ok lang maglabas ng pera para sa sarili mo, para sa ibang tao. Masaya ang magbigay. Para bang, hindi naman yung materyal na bagay ang main point, oo nga at iyon ang representasyon ng pakay mo, pero ang mahalaga, yung katotohanang gusto mo magbigay. Kaya ayan, medyo nabawasan ang aking pera sa bangko. Ikaw ba naman ang bumili ng bagong cellphone, mp3 player (pero pucha, di iPod ah! Practical parin ako. Although gusto ko ng iPod.), nagpalit ng bagong cellphone, sandamukal na make-up, sapatos, damit at marami pang ibaaaaaa! Kahit nabawasan ang pera ko, happy naman ako! Ika nga ni Alex, money is not a problem.

Mas exciting narin ngayon ang pagpasok ko sa paaralan. Di na ako subsob aral, meaning, subsob plates. Nagtetake narin ako ng risk magcram (paminsan) at tumambay. YEEEESSSS. Tumambay. Di kayo namamalikmata. Tumatambay na ako. Marami na akong nakilalang taga-FA na hindi ko kabatch. Ang saya. Dati kasi takot ako sa kanila, kasi lahat sila parang bangag lahat na di namamansin. Yun pala, bangag lang sa kakulitan! Lalo na yung mga taga-ID na third year, iba dun, ka-hi-hello at kadaldalan ko na, kahit di ko alam ang pangalan! Haha.

2005, nakilala ko pa ang mga kaklase ko. Super astig nila. Mas malalim na siguro ang pagkakilanlan ko sa iba. Mas nakikihang-out na ko sa kanila. Ngayon, mas na-appreciate ko sina Abi at Jodi kasi ang sweet nila! Si JB, kasi ang sipag, ang kwela, ang gentleman at higit sa lahaaaaat... madaldal sa lovelife. (which I like, I like hearing love stories!) Mas nakilala ko si Kevs at kung gaano niya kamahal si Teen. Yikee. Mas nakilala ko narin si Ced at ang utak niyang masalimuot, parang maze nina Harry Potter, yung sa Goblet of Fire. Oo, parang ganun yung utak ni Ced. Tapos, mas nakakausap ko ng heart to heart si Bernice at Kuya Marlon. Naalala kong maging bata, pag kasama ko si Sam, Chris at EJ. Sa kabilang banda, natuto ako mula kina Kuya Don, Kuya Pocoy at Ate Wena. Pero siyempre, iba parin pag kasama ko ang orig kong mga kabarkada� buhol na yata ang mga bituka naming nina Nikki, Taka at Tepai. Haha.

2005, nalaman ko na totoo ang teorya ko na di lahat ng kalambingan ko, at kaclose ko nung high school, magiging close ko padin. Tama! Pero yung mga tunay, talaga namang andyan parin. Saludo ako sa aking mga hayskul girlfriends (uy, girlfriends. Diri mode na si Camille at Lieann, aking mga pare.) since nasabi ko na si Camille at Lieann, yoko na ulitin. Isama mo na si Denise at Carla at Janna. At yung mga so-called boys na close ko noon, hay, para silang mga lobong lumipad sa langit, di ko na nakita, pumutok na pala, saying ang prepaid ko, pinangtext sa mga lobo... ah basta, ayun, di lahat ng boy bus ko, nandyan parin. Si Kit, Mike at Pao lang ang loyal parin, love parin ako.

2005 rin ako nasaktan. Hindi na ako magsisintimyento. Eto lang, valid reason nap ala ngayon ang pag-iiba para iwanan ang isang kaibigan.

2005, marami akong bagong mga taong nakilala. Si James, Pepe, si Jj at Sarah at Angelee, si Louie, si Nica, si Frank, si Paula, si Aya na dating girl friend ng kuya ng ex girlfriend ni Alex na si Kristel tapos nagkabarakada din sila, tapos mabait siya hindi katulad ng iba. Si Melody, si Chris, si Hana, si Jem, si Von, si Joyce na crush ni Alex na crush ko din kasi kamukha ko sya tapos ang kapal ko. Si Sir Vlad. At lahat sila di niyo kilala. Haha. Sharing lang. Ayun. Masaya din ako kasi karamihan sa kanila, close ko.

2005 ang taon na napagtanto ko kung gaano ka-all-knowing si Cristy Fermin at si Jobert Sucaldito. They're annoying. Si Cristy Fermin, nakakainis siya kapag nagpapaka-wise siya na tipong, "Alam mo, (insert name celeb's name), ako, hindi ako ganitong blah blah ng tao, pero kung ako say o eh dapat blah blah blah kasi mali ang ginagawa mo." Basta, parang ganon. Self-righteous effect. Si Kris Aquino kasi cute at para bang she says things kasi it�s her opinion, si Cristy Fermin para bang nasa bibliya ng bihay ng tao ang sinasabi niya. Na kapag di ka umayon ka kanyang banal na kasulatan, hihigupin ka ng (isipin nyo nalang) niya. Si Jobert, he�s just annoying. Buong pagkatao niya, annoying. What�s up with the hair?

2005 ang taon ng kahibangan ng tao sa pagpapaganda. Siguro, next to the Hello Garci scandal ay ang mga make-over tv programs. Naeenjoy ko ang Queer Eye for the Straight Guy at Ambush Make-over. Pero napaisip ako, anong sociological implication neto? Ano ang ibinibigay nitong kaisipan sa mga tao? Saan nalang pupulutin ang self-esteem ng mga class C at D na di maaafford magpaparlor at bumili ng magagarang wardrobe?