Wag mataranta, nakamamatay

Marahil sukang suka na tayong lahat sa kwentuhan at usapang stampede, yung nangyari noong nakaraang Sabado, sa Ultra.

Marami ang inagawan ng oras na igugol pa sa mundong ito. Marami siguro ang nangimbal sa takot, sa pagpapalagay na mamatay na sila. Maraming bata ang namatayan ng magulang, mga magulang na namatayan ng anak. Marami ring matatanda (karamihan ay babae) na sana ay nagpapahinga na lamang sa bahay ang ninakawan ng buhay.

At siyempre, sa oras ng sakuna, lagi�t lagging maghahanap ng sisisihin. Hindi ninyo ba pansin?

Sino ang may kasalanan?

Maraming punto, argumento at sentimyento ang lumbas. Marami ang nanisi sa ABS-CBN at sa Wowowee di lamang dahil a di epektibo nilang logistics, kundi pati narin ang pinakakonsepto ng palabas na Wowowee. Kung hindi raw sana gumawa ng isang programang tulad noon, wala sanang trahedyang nangyari. Paratang rin ay lumikha raw ABS-CBN ng isang programa at pagkakataon para paglimusin ang mga mahihirap.

Ayon ako sa ilang puntong ito. Oo nga, marahil isa sa mga idelohiyang isinaksak ng Wowowee sa mga Pinoy ay ang easy-money. Panlilimos, o pagkuha o paghingi ng salapi sa paraang gumagamit ng awa � walang kahirap hirap. Maski ako, di ako sang-ayon sa basta bastang pagpapamahagi ng pera, mas maganda sana kung mga kabuyan showcase na lang, kung saan tuturuan at tutulungang kumita ng sarili nilang pera ang Pilipino.

Pero bakit kailangang sa usapin ito ba bumagsak ang usapin ng stampede? Tila yata masyadong out of hand at malayo na ang tingin ng lipunan. May mas immediate na factors na dapat kwestyunin muna, bago ang konsepto ng programa. Hindi ba dapat maging kritikal tayo na bakit nagging palpak ang pagsasaayos ng mga tao? Bakit tila maraming hindi na-anticipate ang ABS-CBN? At siyempre, bakit at paano nga ba nagkastampede?

Ayokong sabihing walang may kasalanan, dahil ang katotohanan, lahat ng taong involved, MAY KASALANAN. Hindi ako nagpapakasimplistiko o escapist, pero sa totoo lang, lahat talaga ay may maling desisyon, maling nagawa. Ang ABS-CBN, hindi nila naforesee na ganoong karami ang tao. Pero may solusyon doon, diba? Na hindi nila nagawa. Hindi nila nakontrol ang mga tao. Sana, kung nakita nilang bumubuhos ang mga tao, sana ay nag-isip agad sila ng isang prosesong tutulong sa lahat, para makapasok ng maayos. Ang mga tao sa ULTRA, nabalitaan kong di nila pinahintulutang gamitin ang oval. Sa tingin ko ay nagging masyadong �walang pakialam� ang mga guwardiya sa ultra, mga officer at iba pang responsible DAPAT.

At ang mga tao. Sana lang, hindi nila hinayaan ang khayukan nilang makakuha ng salapi. Pero di natin masisi, naghihirap ang bansa. Pero ayun nga, sana, nagging mas considerate sila sa isa�t isa. Kung di nila siguro masyado inisip ang kanilang mga sarili, mas nabawasan ang posibilidad na magkastampede.

Sa pangyayaring ito, marami sana tayong natutunan. Pero sa aking palagay, may dahilan kung bakit naganap ito. Iyon ay para mas maging kritikal tayo sa buhay � sa mga programa at ideyang binobomba sa atin ng media. Ngayon, mas napagisip-isip natin marahil kung bakit nga ba may mga kapwa tayong Pilipinong ganoon, nalaman natin maraming tao ang lubos na naghihirap, marami ang mga taong kay liit ng pag-asang pinanghahawakan. At marahil, nalaman natin na dapat, walang mga shows na basta-basta na lamang binibigay ang perang dapat pinaghihirapan � ng dugo at pawis, ng talino at ng abilidad.

Maraming panglipunan at ekonomikal na usapin nakakabit sa isyung ito. Pero ayoko nang pag-usapan pa. nasusuka na ko.

Ay, isa pa at huli. Naiirita ako sa IBANG mga tao o samahang ineexploit ang trahedya. Sana, maisip nila na hindi lang ABS-CBN at hindi lang Wowowee ang nagtuturo sa mga Pilipino na manglimos. Hindi lamang sila ang nag-eencourage ng game shows na pagmumukaing gago, pagtatawanan at kung anu-ano pa ang mga tao, para lang sa isang milyon, bahay at lupa o sasakyan. Hindi lang si Willie ang tila nagpapaka-messiah. Hindi lang siya. Hindi lang sila. Marami.
Pssst. Tigil. Pahinga muna ako.

Ang dami kong ginagawa sa buhay ko. School. Painting. Mga contest na gustong salihan. Social life. Love life. Wah. Bkait ba di ginawa ng Diyos na 48 hours ang isang araw?

***
Sobrang ayoko yung mga taong sobrang daldal. No, it's not Alex. Haha. Madaldal yun eh. Pero in a different perspective. Si Alex, maraming words per minute at daig pa si Lola Basyang sa dami ng kwento. Ok lang yun. Ang ayoko, yung madaldal sa kung sino siya, kung ano ang alam niya, ano ang kaya niyang gawin. Ayoko ng masalita, yung puro salita. Ayoko sa taong dinadaan lahat sa verbal na pakikipagdigmaan.

Kung may gusto kang patunayan, daanin natin sa kakayahan. Hindi sa so-called coolness.

***
Napanood ko na ang Don't Give Up On Us. Jologs ba? Shut up. Kanya kanyang trip yan.

Hmm. Hindi ako kinilig. Pero individually, Judy Ann and Piolo were good. Magaling silang umarte, masasabi ko yun. Hindi lang sila magaling umiyak ng sandoesang bald eng luha, magaling sila sa timing, sa delivery. They looked real. Bakit hindi ako kinilig? Ewan ko. Siguro, sobrang distracted ako kaka-admire sa kagalingan ng camera works ni Joyce Bernal. And ganda ng pelikula sa teknikal na aspeto. Ang ganda ng shots, wala akong nakitang pangit na anggulo ng niisang tauhan sa kwento. At ang Bagui, hindi na-take forgranted. Hindi siya parang All my Life na masasabi mong pwedeng naganap ang kwento sa ibang lugar. Sa pelikulang ito, parte ng istorya ang Baguio. Very nice. Bilib ako kay Joyce Bernal! Lupeeeet.

Story wise? Nah. Hindi masyadong um-appeal sa kin ang kwento. Although interesting ang mga premise, ang mga karakter. Pero kung paano tumakbo ang storya? Medyo hindi gaanong maganda. Una, Malabo ang timeline. Wala kang full grasp kung gaano na katagal ang mga pangyayari, di mo alam kung matter of days lang ba, o weeks, o months. Kaya medyo nagging disruption para maka-relate ako. Ikalawa, on the surface ang character build up ni Judy Ann. Kadalasan, verbal ang description sa karakter niya. Kung di magsasalita yung karakter ni Juday, di mo malalamang ganun siya. Pero uulitin ko, magaling parin si Judy Ann. It was the script's fault.

At siyempre, what I found the worst is the supposed solution ng conflict. Patawad kung spoiler. Pero oo na, sige na, ang ibig iparating ng kwento ay dapat magsumikap ang karakter ni Piolo para lebelan ang success ng karakter ni Judy Ann. Well, at least naprove nilang hindi talaga pwedeng mapagcompromise ang dalawang magkaibang mundo. Its either may isang sasama sa mundo ng isa, o maghanap sila ng katulad nila. So ayun, since si Judy Ann ay successful, business-y, at very mayaman, nagsumikap si papa Piolo na umalis sa lusak ng kaniyang pagiging acoustic singer sa isang bar at maging tentenenen pop star!

Ayun. siyempre, may messianic effect ang Star Records. Since may �offer� ang star records sa karakter ni Piolo, na maging superdupersikat na singer ten times siya. Yun ang nagging solusyon ni Piolo para lumebel sa success ni Judy Ann.

Ano? hindi ba napaka-simplisctic at escapist ng dating.

Paano nalang kung wala ang Star Records? Then they wouldn�t have ended up together.

Now they call the movie �realistic�. Siguro nga. Sa �premise� na may mga taong naiinlab sa mga taong di nila kaulad aang kultura o ang lifestyle. Pero hindi realistic na lagging may Star Records bilang sagot sa love problem.

Hindi lahat ng tao, may opportunity tulad ng natamasa ni papa Piolo�s karakter.

But I�d still give it a 3 ? over 5 stars. Piolo is just so hot and yummy. Jusy Ann is so talented. And duh, Joyce Bernal is the best. Elibs.