Advertisement: Art Workshops

Hey guys! Those who are interested, I'll be teaching art this summer! If you want to join, contact these schools.

Academies Manila
60 E. Abada Street, Loyola Heights, Quezon City
Telphone number: 9265920, look for Iris

For children ages 4 - 12 years old
April 19 - May 17, 2006
Monday, Wednesday and Friday
12 sessions

P 5, 500.00 (inclusive of materials)

Beginers' class
8:30 - 10:30 am

Advanced class
10:30 - 12:30 pm

Akademia Schools, Inc.
57 Maginhawa Street, UP Village, Quezon City
email them at akademiascholls@gmail.com
mobile number 09209104425

For kids ages 6 and up.

There you go! I'll be teaching in Las Pinas also, in the Narra Gilrs' Club.

Saya!

Naenjoy ko ang pakikipagtalo sayo, Vicente. (Tingnan ninyo ang comments page ng nakaraang post) Pero sa palagay ko, medyo OA na kung walanghanggang isyu ng 1017 ang patuloy kong tatangkaing pag-usapan. Baka wala ng magbasa ng aking blog.

Anyway, kasabay ng proclamation 1017 (sabi ko hindi ko na pag-uusapan. Hehe.), ay ang debut ni Camille. Wala gaanong pumunta, thanks to GMA and the paranoid parents of my classmates (pero I don�t actually take it against them, okay. Clear.) Masaya naman siya. Nagpikchuran lang kami all the way. At heto ang mga larawan! Tenen�



Ang debutante. Camille Cambosa.


Kami ni alex, syempre.


kami ni camille.


Hay ercs, saya saya ninyo!


Lie'ann, pare ko.


Kay tamis! Oh my.


Ercs, kulit!


Chux so happy with her bf.


Carla and Ron, hay kay sweet.


Love you, carls.

Hay, tsaka na ulit, hectic mode ako. Finals eh.

Sobra na.

May nabasa akong sulat ng isa kong kaibigan, isang reaksyon ukol sa mga pangyayari noong nakaraang linggo lamang. Galit na galit siya sapagkat tila buong UP, tinutulak kaming mag-rally. Galit nag alit siya, kasi bakit daw galit ang buong unibersidad kay GMA. Galit nag alit siya kasi bakit daw kailangang tumigila ng mga klase sa unibersidad at magsipuntahan ang lahat sa Quezon Hall, o sa Oble. Galit na galit siya dahil bakit hindi na lamang daw magtrabaho kaysa magrally.

At sa tingin ko, kung mababasa man niya ito, magagalit din siya sa akin. Kahit sabihin pa niyang dati ay magkakampi kami sa pakikisimpatya sa inaaping si GMA noong panahon ng Hello Garci. Actually, tatlo kami, pero yung isa samin, gets ko saan siya nanggagaling � isang kapamilya niya ay kabilang sa right, kaya gets ko kung bakit mula ulo hanggang paa, righteous siya, isama mo narin ang pangrelihiyon niyang background.

Pero ngayon, parang ayoko ng maniwala sa dati kong pinaniniwalaan. Dati, ayokong magrally dahil sa pananaw ko, nakakadagdag lang ako sa paghihirap ng bansa, dati naisip ko na gagawin ko na lamang ang social function ko bilang estudyante, ang mag-aral. Pero ang napagtanto ko, naging makasarili lamang ako. Ngayon, ayoko ng manahimik. Tama na, sobra na, ika nga nila. At nagsasalita ako di lamang bilang isang estudyante, nagsasalita ako dito bilang artist, bilang isang Pilipino.

Ang proklamasyong 1017 ay proklamasyon ni GMA ng kanyang pagkaparanoid, pagkatakot na maalis siya sa nilalanggam niyang pwesto, at pagyurak sa demokrasyang dapat tinatamasa natin. Bakit paranoid? Prinoklaman niya ang 1017 primarily para DAW pigilan ang mga taong lumalaban sa kanya at maglulunsad DAW ng kudeta. Nasaan ang kudeta? Hindi ba�t ang napigilan niya lamang ay ang mga raliyistang nasa EDSA at papuntang People Power Monument? Paranoia ang tawag diyan.

Ang proklamasyong 1017 din ay isang napakamakasariling desisyon � hindi niya prinotektahan ang bayan, prinotektahan niya ang kanyang sarili. Sino-sino ang kanyang mga hinuli? Si Randy David, isang propesor sa UP, isang magaling na political scientist, at isang raliyista. Bakit niya kailangang arestuhin si Randy Dvaid ng walang warrant of arrest? Ano ang grounds? Ano ang kanyang krimen? Nasaan ang bill of rights? Asan ang human rights? Isa pang napakatangang aksyon ay ang pagkakaareesto rin sa congressman at aktibistang si Crispin Beltran. Warrant-less arrest din ito. Ano ang naging kasalanan niya? Sabi ng mga taong sumisipsip kay GMA, may kaso daw si Cong. Crispin Beltran na rebellion noong 1985 at continuing crime daw iyon. E pucha, ginawang bobo naman ang Pilipino niyan. Kung continuing crime iyon, bakit hindi pa siya noong inaresto, para hindi na niya mapagpatuloy ang �continuing crime� niya? Diba?

Hindi ba�t parang pinagana ni GMA ang proklamasyong 1017 para abusuhin iyon at hulihin lahat ng mga taong hindi sang-ayon sa kanya. Sa mga panahong iyon, para bang ang tanging pagpipilian natin ay it�s either PRO-GMA ka, or you get to jail. Nasaan ang demokrasyang ipinagmamalaki nating mga Pilipino. Hindi ba�t sinuspindi niya ang kalayaan nating magpahayag? Bawal magrally, ni-raid niya ang the Tribune, anong susunod? Napaisip ako, kung sakaling mabasa niya siguro ito, baka pati ako�y ipadampot niya at ikulong. Paano nating ipapahayag sa kanya ng ayaw natin ang ginagawa niya? Hindi ba�t parang si GMA ang gumagawa ng ikagugulo ng ating estado? Hindi ba�t parang siya ang umaabuso, ang nananakot sa ating lahat? Nasaan ang demokrasya ngayon?

Isa pa, ang demokrasya ay tumatakbo sa esensya ng katotohanan. Nasaan ang pagkakatotoo n gating mga pulitiko? Nasaan ang pagiging totoo ni GMA. Humingi nga siya ng paumanhin, pero wala siyang inamin. Bakit ka magsosorry kung wala kang ginawang masama. Sana lang may sabihin siya ukol sa isyu niya sa pandadaya, I mean, it�s either she�s guilty or she�s not. It�s either she accepts it or she denies it. Simple lang naman.

Sa mga pangyayari sa nakaraaang linggo, ang napagtanto ko sa ating lahat ay sadyang napaka-immature pa ng Pilipino, ng Pilipinas. Kaunti lamang sa ating ang gustong magsalit o ipahayg ang kanilang saloobin. Marami parin sa atin ang pumipiling manahimik na lamang at hayaang mangyari ang lahat. Marami ang walang stand, na mas nagpapalala sa sitwasyon. Lalo na ang kabataan, nakakatakot ang pagiging apathetic ng marami. Marami sa mga kapwa ko ay tila walang pakialam. Sana man lang, at least, may opinyon at kamalayan tayo sa mga nagyayari.

Sana lang.