mga obrang kakaiba!


the "cj de silva chucks". haha. sorry yabang.


the havaianas i made for 2BU!

weirdness

Sa tuwing nakakarinig ako ng mga batang nagsisihalakhakan, naiinis ako, o kaya�y natatakot. Tila parang gusto kong sila ay tumigil. Siguro dapat sisihin doon ay ang kinalakihan kong pamamaraan ng pamumuhay. Sa bahay kasi naming, bawal ang maingay. Bawal ang malakas ang tawa, bawala ng magulo, bawal magkilitian, bawal tumakbo ang mga bata, baka daw may mabasag.

And wirdo ng mga nakakatanda sa akin. Halimbawa na lang ay ang lola ko. Dalawa ang kusina naming sa bahay � isa ay ang malapit sa kainan, isa ay ang dirty kitchen. Pero ang lola ko, ayaw madumi ang dirty kitchen. O diba? Sa bahay naming matatagpuan ang dirty kitchen na hindi dirty at all. Bawal din mag-ice pick ng yelo sa may lababo o sa countertops, o basta kung anumang tawag mo sa espasyong malapit sa lababo. Bawal, mababasag ang tiles. Eh pucha, saan ako magtatadtad ng yelo? Sa salamin naming dining table? Sa sahig, e tiles din yun. Haha.

Isa pa, sobrang kinaiinisan nila yung naghahabulan. Kaya siguro mababagal kaming tumakbo lahat. Bawal din mag-hop sa hagdan. Mauunawaan ko kung ang hagdan naming ay medyo mga gabente ang baitang, pero hello for you, siyam lang ang samin. At approximately 6ft lang ang vertical clearance ng ground floor ng bahay namin. (Uy, kung magsalita ako parang mansyon ang bahay ko�) Pero ayun nga, sakaling mahulog kaming magkakapatid, hindi kami mamatay. Haha. Pero gets ko narin bakit bawal.

Isa pa, bawal magkandado ng pintuan, unless nagbibihis ka. Ewan ko ba. Napaparanoid sila kapag naka-lock ang pintuan mo sa kwarto. At, ang mga tao samin, di marunong kumatok. Coolness.

Ayun. Isang ka-wirdohan nalang. Isang araw, naliligo ako. Tapos, natabig ko yung bote ng shampoo, tapos natabig ng natabig kong bote ng shampoo yung tabo, tapos yung tabo at bote ng shampoo nahulog. Malamang nag-ingay ako. At�

pinagalitan ako. Bakit daw ang ingay ko maligo. Hello for them, na-affect ba sila ng kalantong ng mga tabo? Hindi naman nasunog yung bahay dahil doon, dir in sila nabasagan ng eardrums. Hay�

I am repressed. Repressed akong mag-ingay. Kaya nga siguro kapag kasama mo ako sa kotse, kahit close tayo, mapapanisan ka parin ng laway.

the little prince was right

old people really do love figures. numbers, i mean. most older people (older than us) measure your worth by how much money you bring to them. and they measure your worthlessness by how much money they shed for your so-called future. older people really are too damn intelligent they find it difficult to listen to simple explanations. older people are too smart they could judge you with just one look.

***

forgive me for this. i'm just too furious i have to let it out here. if i keep my silence, there would be two people less the world's population. i am itching to slit two OLDER people's throats.

***

it's disheartening that reality seems to be too materialistic and harsh. it's bitter to accept that LOVE is not the thing that makes the world go round, it's money. most people measure your success by how much your credit card can purchase, and not by how many lives you've touched. isn't it funny to see that the most materialistically rich people are the ones who are not happy? and they don't stop there. they drool in envy. they try to tear apart the simple lives happy people build.

***

i promise, you (i wish they could read this), someday i will bail him out from the alcatraz you've put him into. i will. in this case, he's cinderella. and you're two unlucky step sisters. and i am his princess charming, in her strong shining armor.=)

Surreal.

Sinagad ko na kagabi. Tutal, huling gabi ko na ng ligaya. Huling Martes na ako�y maaring manood at makinig sa Bloomfields. Malamang, at the back of my head, malungkot ako kasi yun nga, huling night out na naming �to ni Viva. Pero siyempre, ayoko naman maba vibes yung gabi, at gusto kong sagarin ang panahon habang pwede pa. Hay, unang beses kong lumabas at hindi inisip kong anong oras na�t kailangan na bang umuwi, kung magkano nab a ang na-order ko�t baka maghugas ako ng pinggan sa Dish in no time. Haha. Basta, sobang ligaya ko kagabi sa iba�t ibang lebel.

Kahit hindi ko orig na mga kabarkada ang kasama ko, actually, crowd ni Viva yun, sobrang nag-enjoy ako kasi sobrang kulit naming lahat. It feels so different from the way we went out when we were in high school. Wala ng pa-conscious-ako-mode. Haha.

I met Isabel�s boyfriend, si Juts. Weird name pero he was fun. Although hindi kinaya nina Viva at Bianca ang pang-aasar powers niya. Pikon pa naman silang dalawa. Nakilala ko rin si Pancho, yung pinakilala nila kay Viva. Mukha siyang beach boy, I mean, surfer dude. Katabi ko si Aly, ang aking new found friend, at si Kuya King. Hmm. Kuya King.

Well, common knowledge na sa mga taong kilala talaga ako kung sino si Kuya King sa buhay ko. Pero ang ganda ng feeling na nang kami ay nagkita ulit, parang walang nangyari. Nagtatawanan pa nga kami, nag-uusap, nagkukumustahan, parang di nawala yung friendship kahit medyo centuries na ang lumipas na huli kaming nagkita. Natutuwa kasi kahit we had a messy past noong high school, we�ve grown mature enough to be friends again. Coolness. Ampangit naman kasi kung bitter-bitter-an mode ka sa mga taong minsan ay naging mahalaga sa �yo diba? (Wish ko lang mabasa �to ng mga babaeng iba ang tingin kay Alex. Kasi alam ninyo, he wants to be friends with you. Super. and I do, too.)

Enough of the emo stuff.

I will miss the Bloomfields. Ano ba yan, para akong pupuntang ibang bansa. Haha. Pero oo nga, mamimiss kong makisabay sa kanta nila, makisayaw at makipagngitian sa taong di lang mga artists na hinahangaan ko, pero mga kaibigan ko na din. Mamimiss ko yung in-between sets chats. Aww... nakakainis pa nga kasi kagabi, they have their attention on us kahit papano. As in they even told the audience they loved our table kasi we never stopped smiling, haha, kasi we�re a bunch of happy people. na-touc ako when Louie said: �When you smile, it makes me smile too.� Or sorta like that. Na-touch ako. Heehee.

From now on, I will smile. Yuck, ano ba ito. Affected ako.

Isa pa, kagabi, mas nadama naming ang sincerity ni Pepe, although alam kong dapat wag magpadala. Hmm. Basta, nakakatuwa kasi nung kausap ko siya, hinanap niya si Czher (ang 1/3 ng aming gorund: Me, Viva and Czher). Wow, diba? Natandaan niya si Czher. Wala lang.

Hay, Viva and I are starting to develop new expressions. Heehee.

* �Do you love me?� � haha. Do you love me mode means we�re thinking of some people.
* �Unleash my karnal.� � ibig sabihin, sexy, hot. Iba pang usage, �He�s unleashing da karnal.�
* �Hello for you!� � haha. =)

Aww. Para sa kin, this is such an emo post. Agh.

Social Life, where are you?

Nang masira ang computer ko, sobrang nadrepress-depressan mode ako. As in, pumapasok lang ako sa aking silid kung ako ay magpapalit ng damit o matutulog na lamang. Hindi ko matanggap ang pagkawala ng imahe ng isang monitor sa ibabaw ng aking mesa.

Parati akong nagbubuntong hininga at napapaisip na lang: �paano na ang blog ko?�, �naku, baka may bagong message sa friendster, di ko mababasa.�. At napaisip akong muli, �Shit, Cj, loser ka. Internet ang social life mo.�

I mean, diba? Matatawag ko nga bang social life in its actuality ang internet relationship ko sa inyo, aking mambabasa, sa mga friendster ko, di ba�t hindi. Hindi ba�t parang dapat kong isigaw sa sarili kong tenga, na HELLO, CJ, SOCIAL LIFE.

Hindi ko rin naman masisi ang aking sarili. Ambisyosa mode ako at gusto kong magtapos ng magna. Pero kaya sana yun, magna na may social life, tatanggalin ko nga lang ang laksa kong mga extra curriculars � meaning painting at pagtuturo ng mga bata. Isipin ninyo nga, kailangan kong gumawa ng plates, magpinta, umuwi ng maaga sa bahay at pasayahin ang boypren ko. Saan ko kaya maisisingit ang social life dun?

Hindi naman ako anti-social, medyo wala lang akong time. Na-acquire ko na nga ang skill ng multi tasking: talking on the phone while texting while painting. Pero wala padin akong �social life� kasi medium ko parin ang electronics � ang cellphone at telepono. Walang ACTUAL, HUMAN INTERACTION ang buhay ko maliban sa pamilya kong saksakan ng kulit na ginagawang communal ang pribado kong buhay, si Alex, ang boypren ko at si Viva, ang bestfriend kong baliw. (Hmm� baliw kaya kanino�) Gets ninyo?

Kailangan ko ng SOCIAL LIFE!!!!!!!!

Wah. I am officially turning into a geek. Alam ninyo yun? Pag nanonood ako ng The Beauty and the Geek, mas nakaka-identify ako sa mga geek imbes na dun sa mga babae. Sobrang can relate din ako kay Kat Stratford sa 10 Things I Hate About You. At ang gwapo ni Heath Ledger dun. Sorry, I just had to let my karnal out.

***

Got a hair cut. Back to my rocker medium length hair. Ewan ko ba, di lang talaga ako sanay sa long hair. I bought curling iron, yippee!!! Gusto ko din magshopping, mag-ukay at bumili ng mga bagong gadgets. Pero wala pa akong pera. Pakshet.

Viva and I have a new favorite word: KARNAL. Heehee. Favorite expression of the moment: DO YOU LOVE ME? (Think Dirty Dancing 1. Heehee.) I love you Viva.

Wala na Kami. Pero I have a new one.

Hay, pitong taon pa naman kaming nagsama. Siya na yata yung lagi kong tinatakbuhan sa mga panahong ako ay malungkot, nabwibwisit, o kahit sa panahong wala akong magawa. Siya ang nagpapasaya sa akin. Lagi siyang nariyan, handa akong samahan, handa akong tulungan, pagaangin ang mga kailangan kong gawin.

Pero wala na kami. Iniwan na niya ko. At sa panahon pang pinakakailangan ko siya!

Wah.

Wala na siya - ang aking pinakamamahal na iMac. Huhuhuhu.

Give up na siya sa dami ng computer works na ginagawa ko. =(

Pero goodie my tito bought me a new one! Heehee. Kahit wala na ang aking G3 iMac, I have my new PowerMac G4. The flat screen LCD one. Ang ganda niya super. Heehee. Sorry if I had to brag about this but I just can't contain my happiness for having a new computer! Whoopee!!! Although I'll upgrade my RAM pa cause it's kinda slow 256 MB. Heehee. I'll add a 512 MB more so I'd have a RAM close enough sa 1GB. Yayness!!!

And I realized I can't compromise myself buying Windows or PC kasi ever since, I've used Mac and for me, it's better. Mas slick yung OS, may user friendly, less virus to pest your system, mas durable! Basta.

Heehee.

I love the BLOOMFIELDS. Ok, sumegway ako ng hindi konek.