Gusto kong... (Unang patak)

Matutong magdrive. Gusto kong pumasok sa school ng bumababa mula sa driver's seat ng kotse. Gusto kong magdrive papuntang mall, kasama si Viva. Gusto kong maihatid si Alex sa bahay. Gusto kong makapunta sa gig ng Bloomfields ng ako lang mag-isa. Gusto kong sunduin ang nanay ko sa office. Gusto kong ihatid ang lola ko sa party. Gusto kong sunduin ang mga kapatid ko sa school. Naks.

Matutong tumugtog ng gitara. Nakatengga lang kasi yung gitara ko. binili-bili ko pa, la naman yatang silbi. Kung sino man diyan ang may mabuting puso at gusto akong turuan? Haha. Gusto ko rin magkaroon ng band, parang ala-Letters to Cleo. O kaya, parang Michelle Branch. Okay, Cj, dream on.

Makapagbisikleta. Bata pa ako, bawal na akong magbisikleta. Mababalian daw ako, lalu na ang aking kamay.

Mag-football muli. Minsan, noong high school, nagfootball ako. Tuwang tuwa akong madama ang tagaktak ng pawis sa aking katawan. Parang umaaso sila sa pagdapo sa balat ko. I'm hot! Joke lang. Kapal ko. Pero yun nga, gusto ko ulit makadama ng ibang sense of achievement! Goal!

Kumanta. Hindi yung kanta sa banyo, di rin videoke. Gusto ko yung PL (performance level). Yung parang si Sarah Geronimo. Pero hello for you, hindi ko abot yung boses ni Sarah. Pero marunong naman akong kumanta.

Maging make-up artist! Gusto ko mag-apply sa Shu Eumura o kaya sa L'oreal, for fun lang. Di ninyo kasi alam, mahilig ako sa make-up. Noong Prom, ako nag-make up sa mga kabarkada ko. Last year din, may plate kami sa photography - fashion photography, ay, tuwang tuwa ako!!!

Matutong magkumpuni ng aking computer. Geek na kung geek pero marunong na ako maglagay ng RAM, ng hard disk at clock battery. Hindi narin ako gaanong mauuto ng technicians! Peor siyempre, gusto ko pa mas maintindihan ang pasikut-sikot ng computer ko!

Magkaroon ng kolum sa magasin o sa dyaryo. Gusto ko magsulat! Gusto ko mag-interview ng mga sikat, gusto ko magresearch at gusto kong magsulat!

Gawin na ang online portfolio ko! Para at least makita ng mga tao, di lang painting kaya ko! Aba, yabang, noh.

Itutuloy...

wala na palang response-o-matic. tsk.tsk.

sa mga nagsubmit ng mga katanungan, sana'y magsubmit kayo ulit! nawala na ang epekto ng aking response-o-matic, kaya ayun, wala akong natanggap ni-isang tanong.

gawa na! salamat sa http://freedbacks.com

Happy thoughts naman.

6:25 am. �Cj, cj, cj, umalis nab a ang mama mo? Hindi ba�t may turo ka ngayon?� pumupungas pungas ako at nakilala ko agad kung kanininong boses iyon. Ang lolo ko yun. Isang pangangailangan na niya ata sa buhay ang pagtatanong. Sa isang araw, mga sampung tanong yata ang binibigkas niya sa akin, kahit pare-pareho, araw-araw. Sa ngayon, paborito niyang tanungin ay, �Saan ang turo mo bukas?�, at tila hindi niya napapansin na may MWF at TThS na pattern iyon.

At 6:25 am iyon, dapat ay gigising ako ng 6:30 am. Hindi ba�t iyon na yata ang pinakanakakainis na simula ng iyong umaga, ang gisingin ng limang minuto bago tumunog ang alarm clock? Hindi ba�t parang gusto mo pang pahabain ang mga butil-butil na minutong natitira sa �yo?

Gusto ko sanang ma-bad trip pero Lunes ngayon at sadyang napakababaw, kahit na may �katwiran� ako doon dahil pagtulog ang usapan. Pero wag na, happy thoughts nalang ako, kahit na simula pa kahapon ay inaapi na ako ng nanay ko at kinukulit ako ng tatay ko.

Kagabi, iniluha ko na lamang ang pagkainis kay papa, ayoko siyang awayin dahil wala naman sa lugar. Nakukulitan lang talaga ako. Itinabi ko na kasi ang gamit ko dahil masakit na ang ulo ko kaka-multi-task at din a kaya pang gumana kahit isa na lang ang gagawin ko. Buong araw na kasi akong nagpipinta/may kausap sa telepono/nanonood ng telebisyon. kasalan ko din pero marahil lumala ng tinangka pa ni alex na magdescribe ng anime na nagkocos-play sa usapan. Unang una, sat wing nagpipita ako habang may kausap sa telepono, isang malaking pagakakmali ang ako pa ay pa-visualize-in mo dahil mahina na ang RAM ng utak ko nun. Ang visualization ay para na sa pagpipinta, kaya sasakit na ang ulo ko. Pangalawa, anime iyon. Hindi ko hilig iyon, hindi ko gets ang fascination ng anime lovers sa anime, hindi ako naaliw sa storylines nila, sa drawing� pero di ko na sila papakialaman, nagegets ko naman na passion nila yun. Kanya-kanya nalang.

Pero kung isaksak pa iyon sa utak ko, di ko na kaya. Para kasing pinipilit kang pakinggan ang �Stay� ng Cueshe ng di oras. Well, siguro mas malala yon kaysa anime. Oo nga, papanoorin mo na ko ng limampung milyong anime sa isang araw kaysa dalawang minuto ng kanta ng Cueshe. Mas matitiis ko pa ang Lito Camo songs kaysa kanta nila, at least alam ko, orihinal na sinulat iyon ni Lito Camo, hindi rip-off lang. Wah, naalala ko na naman ang Orange and Lemons, okay na sana sila, kung di ko narinig ang �Chandeliers� ng The Care.

Hay. Happy thoughts muna.

usapin ng feeling close

Minsan, may nagtanong sa akin sa question box: ano raw ang palagay ko sa mga taong feeling close, o dun sa mga taong kung itrato ako ay parang personal kaming magkakilala, pero hindi naman talaga. Naging ideyalistiko ako. Ayoko sanang basta nalang husgahan ang mga taong feeling close, kasi naman paminsan hindi naman gaanong masama ang pagiging feeling close. Minsan nga, naiisip ko, saan ba nagsisimula ang closeness, edi sa pagiging feeling close.

Pero kung pag-uusapan natin ay sa persperktibo ng internet at blogging, para sa akin, grounds ito sa pagiging OA sa pagiging feeling close. Hindi porke araw-araw mong binabasa ang blog ng isang tao, close na kayo. Hindi porke nagcha-chat na kayo sa ym (sa sitwasyong nagkakakilala kayo sa internet at blogging), ay close narin kayo. Hindi basehan ng tunay na pagkatao ng isang nilalang ang mga bagay na nasusulat o nasasabi sa kanya sa internet. Kahit ang friendster account ng isang indibidwal ay hindi sapat na basehan ng tunay niyang ugali o buhay, kahit pa siya ang sumulat nito. kaya naniniwala ako na may pagka-over the top na kung may mga taong itratrato akong tila �close friends� kami over the internet.

Pero siyempre, iba�t ibang lebel naman iyan ng pagiging close. Marahil si JK at Aygee (parehong mga taong nakipagkaibigan sa akin sa internet) ay di ko masasabing �feeling close� sa akin dahil sila ay naging magagalang at hindi �feeling close� talaga. Wah. Wahat�s with the phrase. Pa-ulit-ulit.

O siya, para diretso na. para sa akin nakakainis ang feeling close kapag tinatawag niya akong �ate� without PERSONAL and direct relationship with me. Nakakairita kaya. Ilagay ninyo man ang sarili ninyo sa kalagayang ito, maiirita kayo. Papayaga ka bang i-�ate�-�ate� ka nalang ng mga taong di mo namang kilala. Isa pa, nakakairita kapag kung bumato ng taong ay sobrang personal na tanging mga kaibigan (meaning personally met friends) ko lang ang pwedeng magtanong. Halimabawa, tungkol sa perang kinikita ko, sa mga ka-pamilya ko at iba pa. kung isa ka namang magalang na tao, siguro�y alam mo na kung anong mga bagay ang pwede at di pwedeng itanong through the internet. Ah basta. Naiirita ako.

Inilagay ko ang question box sa pag-iisip na hindi ito gaanong aabusuhin ng iba. Sana�y wag dumating ang panahong tanggalin ko ito. Napapasaya ako ng mga tanong na natatanggap ko, pero kung OA na sa pagka-feeling close� tsk, tsk.