Bus Rides

Walang kulay ang paligid. Lahat ng tao tila nagmamadali, iniisip kung makakarating ba sila sa oras sa kanilang pupuntahan. Ang iba naman, binabawi ang tulog na di nila nagawa dahil lugmok sa trabaho. At At ako, busy din ang utak ko sa pag-iisip na iba’t ibang mga bagay – mga plates kong parang military missile ng Israel – walang tigil, mga senting mga bagay, hayskul, at mga ilang reklamo tungkol sa buhay ko. Itim, gray at puti lamang ang nakikita naming lahat. Hindi naming kilala ang isa’t isa. Ang mga tao ay tila walang mukha, walang identidad. Ang mga tao ay parang mga multong nagsisiliparan. Ang mga minuto ay mas mabilis pa sa Segundo, walang mg ala-alang naiiwan.

Minsan, masaya kung magpapatugtog ka ng MP3 at lapatan ng kanta ang iyong paligid. Unti-unti, makikita mo na ang mga tao ay may mga mukha, may mga ngiti, may mga mata, may mga kwento. Biglang sumasabog ang kulay, ang buhay.

"You complete me."

Masarap manood ng mga romantikong pelikula, hindi ko itatanggi. Maski nga koreanovela, pinapatulan ko na. Masarap pakinggan ang bawat salitang sinsabi ng bidang lalaki sa babae. Nakakatunaw ang mga titigan nila. Masarap paulit-ultin sa isipan ang mga sandaling parang nag-blur ang buong mundo, an gang dalawang bida lang ang nagkakakitaan. Masarap panoorin ma-in love ang dalawang tao. siguro, iyon na ang pinakamasarap ng damdaming pwedeng maramdaman. Masarap panoorin ang muling pagtatagpo ang kanilang mga labi, at ang matagal na paghahalikan. Mag-pa-pan out ang camera, makikita ang langit, ang mga ulap, ang araw o ang mga bituin, tila naglo-conspire ang buong universe!

Wakas.

Doon na nga lang ba nagwawakas? Sa totoong buhay ba, pag may sinabi ng lalaki na "you complete me." Magngingitian lang ang mga puso ninyo habang buhay? Hindi. Hindi natatapos sa "I love you" ang kwento ng pag-ibig. Sa "I love you" nagsisimula ang lahat. Mula dito, isasatotoo na ang mga panaginip na dineydream mo habang math class. Pagkatapos ng "I love you", magsisimula mong makilala ang mahal mo. Magsisimula mong makita ang mga kapintasan. Magkakaroon ng maraming pagbabago. Mag-aaway kayo, at mapagtatanto ninyong hindi araw-araw ay puro mga ngiti. Maraming di mapagkakasunduan, hindi kayo mag-uusap tulad ng dati. May mga taong makikilala - maakit, magkaka-crush sa iba. Maghahanap ng wala sa isa't isa. Malalaman na, shyet, nagbago na sila.

Paano na ang "I love you"? Itatapon na lamang ba? Sa tingin ko sa mga panahong nawala na ang mga daydream tuwing math class, dito talaga malalaman ang kahulugan ng "I love you." Sa panahong ito malalaman kung kaya mong mahalin siya kahit hindi na siya ang taong un among minahal "ang pagsabay sa pagbabago ng isa't isa.

Kapag hindi na kinaya pa, ito na siguro ang totoong "Wakas".

***

Dalawa sa mga pinakakamamahal kong kaibigan ang iniwan na ng kanilang mga minamahal.

Sana nakakabili ng...

Sana nakakabili ng puso. O kaya heart, para mas cute pakinggan.

Kahit kailan, wala akong naipinta, naiguhit o naisulat na mapapa-"aww." (sabay smiley) ang mga tao. Pakiramdam ko, hindi ko maiparating sa pinakamagandang paraan ang gusto kong iparating. Minsan, naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong maisip na makapagbag damdamin. Wala akong maisip at maisult na nakakakurot sa puso. Wala akong maipakita sa ibang tao na endearing, yung tagos sa puso.

Lahat na lang ng ginagawa ko, mula sa utak. Pinag-isipan. Kahit pa gaano kong kamahal yung ginawa ko, parang walang nakakaramdam - kasi maski ang mga pinipinta ko, o iginuguhit ko, larawan ng kamanhiran. Parang lahat ng ginagawa ko, may saysay, pero walang "aww." (sabay smiley.)

Hay, sana nga, nakakabili ng heart. Para ako din, meron.