Mas maganda yata kung...

Maganda ang dapit hapon – ang larawan ng pag-aagawan ng umaga at gabi, ang pag-iisa ng langit at ng dagat. Maganda rin ang langit kapag ito ay nakatawa, o kahit na ummiyak. Maganda ang araw, ang bituin, ang buwan. Maganda silang lahat, kaya tinitingala ko.

Natural marahil sa tao ang pagtingin sa kalawakan, tulad ko na lang. Kaya ko yatang ubusin ang buntong hiniga ko ng nakatitig lamang sa araw, sa ulap, sa buwan, sa bituin. Ang kanilang ganda ay tila hinihila ako papalapit sa kanila, pero kailanman, di ko sila maabot o mahahawakan.

Ayokong isipin ang gayon.

Gusto kong isipin na minsan, dumampi sa akin ang init ng araw. Minsan akong yinakap ang liwanag ng buwan at minsan narin akong hinagkan ng mga bituin. Minsan. Sa panandalihang panahon. Lahat ng ito, sa isang iglap, nawawala. Bumabalik sila sa kanilang kinalalagyan, sa lunang di ko maaabot.

Mas lalo ko pa silang pinaggugulan ng aking panahon. Mas lalo ko pa silang tiningnan, bawat detalyeng maaring maabot ng aking mga mata. Pero sa bawat gabi, paulit-ulit lang. paulit-ulit – iisang larawang maganda lamang ang aking nakikita. Sa isang anggulo ko lamang sila nakikita. Wala na bang iba? Wala na bang ibang itsura ang araw, ang buwan, ang bituin, ang langit?

Napagod na ang mga mata ko. Nagsawa.

Minsan, nakakapagod rin palang tingnan ang mga bagay na malayo, kahit anong ganda pa nila. Ang mga bagay na malayo, parang dapat malayo lang talaga sila. Hindi dila pwedeng lumapit sa iyo. Ang mga bagay na malayo, background lang ng buhay. Larawan lamang sila sa likod ng mga bagay na malapit sa akin – mga bagay na mas nasisilayan ko ang ganda. Ang araw, ang buwan at ang mga bituin ay mga bagay lamang sa likod ng puno, ng damo, ng lupa na maari kong higaan at sandalan – habang buhay kong masisilayan…

…ng malapitan.

bakit nawawala ang mga tao?

sa ngayon, parang nadarama ko na ang matagal ng ka-dramahan ni alex - ang kawalan ng nagbabasa ng blog. haha. nasaan ang mga tao? paramdam naman kayo. haha. or maybe busy-mode lang talaga. shyet.

Happy Birthday to me!

Sa araw ng aking kaarawan, mabibilang mo lang sa isang kamay ang bumati sa akin. Hindi naman ako matampuhin, pero ang ikinagulat ko, ang buong akala pala ng karamihan ay August 2 ang kaarawan ko. Well, mali sila, August 1 ito.

Hindi ako talaga nagdiwang sa mismong araw. Marahil iyon narin ang dahilan kung bakit di nila na-obyus. At napagtanto ko, tuwing August 2 ako nagdiriwang. Katulad na lamang ngayong taon.

Balik tayo sa mismong araw ng birthday ko. Dinalaw ako ni Sarah. Awww. Ang sweet! Dinalaw niya ako at nilibre ng masarap na sisig sa Sisig Boy. Masarap ang chicken sisig sa sisig boy, kung gusto ninyong tikman, nasa UP Village siya, katapat ng Holy Family School. Ang sweet ni Sarah!

Kinabukasan, nagkuha ako ng mga pictures para sa Kythe isang org sa Ateneo – well, kinuha ako ng aking bestfriend para doon.) Photographer mode ako. Pagkatapos ng mapawis na hapon, pumasok ako sa FA at dumeretso na sa bahay nina Viva. Naligo, kasi pawis na nga ako. At pumunta sa Eastwood para manood ng gig ng Bloomfields at ilibre ang aking dearest friends.

Andun sina: Viva (malamang), si Alex (malamang ulit), si Sarah at si JC, at siyempre, Denise at Brenold!


Alex and me

With Czher

Viva, me and alex
<
Everybody. except denise, since she's the photgrapher. Ayy, wala pa pala si Sarah at Jc!