Negotiable Prices

Hey guys, I still work for The Store With No Name!

Photobucket - Video and Image Hosting
Prices are now more negotiable! It really depends on the difficulty or simplicty of your desired design.

For shirts: prices start at Php 500.00
For jackets and jeans: prices start at Php 1,000.00
For canvass flats: prices start at Php 1,000.00
For chucks: prices start ay Php 1, 500.00

Punta na kayo!

Customer Service

Kapag pumupunta tayo sa mall, marami tayong napapansin. Napapansin natin ang mga usong damit, sapatos, gadgets at marami pang iba. Napapansin natin ang mga label na: “SALE!” at higit sa lahat, ang presyo. Pwede narin natin marahil isama ang mga napapansin natin mga artistang nagmo-malling din tulad natin. (Aminin niyo na, kahit gaano pa tayo magkunwaring wala tayong paki, papansinin at papansinin natin sila. Hello, imagine-in niyo si Piolo right in front of you!)

Pero sa dinami-dami ng mga bagay na kumukuha sa ating atensyon, mas marami tayong mga bagay na hindi nabibigyang halaga. May nakita ka na bang orasan sa mall? Oo, sige, may tindahan ng orasan, pero hindi tama ang oras. Walang orasan sa mall dahil ang gusto ng mga may-ari ay malimutan mo ang oras dahil mas kung mas matagal kang mag-iikot, mas mataas ang posibilidad na bibili ka. Tulad rin ng oras, hindi natin napapansin na ang pera sa ating wallet ay unti-unting kumokonti, dahil nga mahirap talagang pigilang hindi bumili. Pero sa tingin ko, ang pinakamahahalagang bagay na hindi natin nabibigyang pansin ay ang mga taong nag-aasikaso sa atin sa mall.

Para tayong mga bisitang lubos na pinapa-feel at home ng mga brand representatives ng bawat tindahan. Para tayong mga don at donya, handing pagsilbihan. Pero malimit, nakaklimutan nating magpasalamat sa pag-aasikaso nila, at humingi ng paumanhin dahil binulatlat natin ang t-shirt na limampung beses na nilang tiniklop.

Siguro nga, mas mauunawaan natin ang isang bagay kung nasa sitwasyon tayo – kumbaga, nararanasan natin. Hindi man ako naging brand rep, sa pagtratrabaho ko bilang stylist sa The Store With No Name, halos naranasan ko narin kung anong klaseng treatment ang nakukuha ng mga brand rep. Hindi ko naman sinsabing lahat ng customer masama, mas marami namang mabait eh. Marami ang magagalang, nagpapasalamat. Pero siyempre, mas tumatatak yung mga customers na may kakaibang ginawa, o may masamang ugali. Kahit maikli pa lang ang inilagi ko sa store, aba’y may tatlo na ako sa records ko.

Customer #1: Ang little boy
Isa siya sa mga batang damang dama ang pagiging teen nila, kais daw may suffix ng –teen ang edad nila. As usual, kasama niya ang kanyang mga kabarakada. Cute naman sila in general. Magalang magtanong, tinawag pa nga akong “ate”. Nagtanong sila tungkol sa chucks. Maayos naman at logical ang mga tanong nila, at sinagot ko ng maayos. Hanggang may isang sobrang talinong tanong akong narinig: “E paano kung inilakad ko sa putik, edi madudumihan.” PorDiyosPorSanto. Kahit yata Cole Haan o Gas ang sapatos mo, kung inilakad mo sa putik, malamang dudumi. Ano gusto niya, lagyan ko ng ultramagnetic shield yung chucks. Sabi ko nalang, “E problema mo na yun.” Mataray na kung sa mataray.

Customer #2: Ang pa-sosyal na walang sense ng art
May isang sosyal na lalaki na fan ng The Beatles ang nagustuhan ang disenyo kong The Beatles sa isnag advan flats. Pero since lalaki siya, hindi pwede ang flats sa kanya kaya’t bumili siya ng Lacoste at iyon ang ipinagawa niya, pinapintahan niya. Kontrobersyal ang Lacoste na ito. Nang minsang pumunta si Keanna Reeves sa store, nagkomento siyang “Pinapapintahan niya iyan? E orig iyan eh.” Okay lang, unang beses naman at sa personal na background ni Keanna, magegets naman nating mahalaga ang pera sa kanya at ang mga tatak na bibilhin nito. Pero parang ulang bumuhos ang mga komento, hindi ko na kaya. Okay padin, pinipilit kong huwag masaktan. (Siyempre, masakit marinig na saying yung Lacoste kasi ang labas noon sa aki’y parang hindi ko nabibigyang justice na Lacoste ang pinipintahan ko. Simply put, pangit yung ginagawa ko.) Pero nang may isang konyong babae ang umurirat at kumoment na, “Oh my God, this is Lacoste, why is he making it pa-customize? It’s like ouch.” Ayoko na. Nabadtrip na ako, next thing I know, nagyaya na akong umuwi at doon na lang sa bahay ituloy ang magandang Lacoste/The Beatles Sneakers.

Customer #3: Ang Kahihiyan ng mga Bakla
Mataas ang pagtingin ko sa mga bading. Iginagalang ko sila’t bilib ako sa creativity nila. Kaya ayos lang sa aking baklain nila ako, basta may sense silang kausap at may respeto. Pero minsan, may isang bading, may kasama siyang isa pang bading. Bigla siyang natanong ukol sa chucks – paano ko dinedesign, anong ginagamit kong pintura, dib a iyon nabubura, pwede bang laban… hanggang tinanong niya sa akin, “E bakit ako bibili sayo, kung kaya naman nitong friend ko iyan. Mas magaling pa nga yata siya sayo. Sumasali siya sa NCCA.” At nakita ko ang kahihiyan sa mukha ng kasama niyang bading na inaassume kong mabait, di tulad niung isa. Ayokong sumagot, baka mawalan ako ng trabaho. Buti nalang, sinalo ako ng brand manager ko at sinabing, “Sir, Cj would love to entertain customers who are not rude.” Well said. Thank you. Kung di siya dumating kaagat, baka binasag ko na ang balls ng bading na iyon. (Oh my, I can still remember how his nostrils. Pwedeng lumabas ang tatlumpung elepante.)

Ngayon, alam ko na kung anong nararamdaman ng mga brand rep, kung gaano ang pagdurusa nila mula sa mga customers na galing sa ibang planeta. Ngayon, mas alam ko nang hindi natin ikamamatay kung magpapasalamat tayo kapag sinasagot nila an gating mga tanong, sa tuwing tinutulungan nila tayo sa pagpili ng dalit, sa tuwing inaayos nila ang mga damit na hinalukay natin at nilukot. Ngayon, alam ko na. Sana kayo rin.

***

Di ako nakapag-blog buong December kasi nasira ang computer ko.:(