Comfort in the Inconvenient

I was always comfortable in the idea of being alone. Often than not actually, I prefer solitude over company. in my alone time, I am most human. I am at my purest – I can touch, taste, hear, smell and even see myself.

But as I went home today, riding alone in an ordinary fare bus, I felt lonely. I do this everyday, but this is the first time I ever felt lonely.

As people got in and out of the bus, I realized on thing: it’s a lot more difficult being single, especially when you’re experiencing failure. It’s difficult to be single, without someone who is ready to hold your hand, catch you in an embrace or wipe your tears when you cry. Yes, single people can have the best set of friends in the world, but they can’t fully suffice the intimacy a partner gives.

I appreciate singleness now, and all the single people out there. It’s harder to face the world, everyday, knowing that you only got yourself, and yourself alone.

I come to realize that the concept of “the partner" is convenient. The idea that someone, out there, is ready to save you. Ready to validate you, again and again.

Indeed, failures come lighter when you have someone by your side. Partners conveniently fills up the void when you feel less of the person that you are. They conveniently reaffirms your existence – that even if you fail, there is someone to tell you: “It’s alright. You have me.”

Having a hand to hold, an embrace to bask into, a special nook to cringe into – they are all convenient. It gives a sense of existence, a sense of self worth, a sense of achievement, a sense of security. That even if we fail, we still are successful because we are able to love and be loved in return.

It’s practically CONVENIENT.

So then, I shall keep myself challenged by the inconvenient. I am beginning to be comfortable in the inconvenient.

I think success tastes sweeter that way.

THESIS IT.

THESIS IT.

Hindi pa tapos ang buhay estudyante. Hindi pa tapos ang mga gawain, takdang aralin at iba pang gagawin para sa mga GE (Lalo na yung GE-feeling major, nakow, yang Landscape Architecture na iyan! Shyet ka, shyet.) Pero syempre, hindi ko maitatangging abot langit na ang ligaya. Dahil…

Tapos na ang Deliberations ko. Thesis it. Thesis really is it.

Tapos na siya, actually, noong Saberday pa siya tapos. Ngayon lang ako nakapaglaan ng oras sapagkat bumawi ako ng tulog. Masaya ang kinahinatnan ng deliberations ko. Sobrang kakapiranggot lamang na mga revisions ang gagawin – copy lang – yey!

Congratulations sa aking mga batchmates, thesis mates. Congrats, congrats. Marahil may ibang duguan mula sa pagkakabaril ng panelists, pero for sure, buhay pa kayo! Kayang kaya ninyo yan! Pero all in all, congrats sa lahat. Magaling, magaling, magaling.

Syempre, marami akong gustong pasalamatan. (In random order na lang para fair.)

Yna: Salamat sa pag-activate ng utak kong matagal nag hibernate. Kung hindi mo ako inumpasahan sa mga “thesis dates” natin, siguro mas naghabol ako. Sobrang nasti-stimulate mo ang utak ko para mag-isip at mag-isip at magi-isip. Nakakatuwa kang brainstorming buddy. Sana hanggang sa trabaho, kasama padin kita. Alabshoo.

Titser Dan: Dapat ipagpatayo ng monumento si Titser Dan. Isa siyang huwarang guro, kaibigan at inspirasyon. Titser Dan, maraming maraming maraming bagay ang naituro at nai-share mo sa akin, sa amin. Maraming salamat sa mga ambush online consultation. Salamat sa pagiging considerate. Salamat sa lahat. Idol kita, as in seryoso ako, idol kita.

Maam Mitzi: Salamat sa pagiging adviser at pseudo-mother. Kahit na paminsan sobrang hindi na kita gets, at pressured na pressured na ako, I know you did what you had to. Oh wells. Salamat rin sa pagiging proud at supportive. The more you pushed me, the more I pushed my idea.

Chris: Salamat sa pagpapaalala sa akin na “shyet, kailangan ko nang mag-thesis. Si Chris, patapos naaaa.” Salamat sa pakikinig sa aking mga hinaing, di man ukol sa thesis, actually bulk ng mga chorva ko ay tungkol sa lovelife kong weird, pero salamat parin. You kept me sane and focused from time to time.

Viva: Thank you for introducing me to a whole new world. Haha. Salamat at nandyan ka during my emo-ness moments, there to sweeten my bitter days, and share frustrations and kilig kwentos with me. Most of all, thank you for, finally, letting me loosen up. Now, I know how to PARTY. PARTY. *Shyet, naririnig ko yung EMBASSY at ASCEND. They’re calling me.*

Timmy: Salamat sa pagiging mabuting chairperson ng ating mumunting org, ang AVCOM. Maraming salamat sa pagiging mabuting L Arch 1 classmate kahit na si L Arch 1 ay hindi mabait sa atin. Hindi niya tayo naiintinhan, promise. Maraming salamat at nandyan ka forever! You are my Wayfarer-mate.

Cheverly Gang: You guys are so cute. Salamat sa mga random sharings of lovelife shit and thesis shit.

Nikki: Hugs. Salamat sa pagiging great great friend. Kahit lagi kang nag-Chu-Church, okay lang. Although, miss ka namin forever. Salamat sa pagiging enthusiastic tungkol sa mga kwento ko, lalo na sa mga crushie kwentos. Haha. Sayo ko lang nakukuha talaga ang desired amount of enthusiasm from a listener. Hahaha. Kahit limapung beses ko na ata inulit, enthusiastic ka parin.

Taka: Salamat at nandyan ka sa mga panahong kailangan kita. Salamat sa pagtulong sa pagtulong sa akin mag-photograph ng aking final art for thesis. Salamat s apag-ecourage sa akin na kayak o rin namang mag-photograph, kailangan lang namin maging close! Hahaha. Salamat sa pakikinig sa aking mga kwento, lalo na sa tungkol sa mga trahedya at komedya sa buhay. Hmm. Hahaha. Salamat sa empathy – lalo na sa mga swingers. Naku. Naku. Swingers. Salamat.

Thesis Blockmates and Sir To Block: Salamat sa walang sawang pakikinig sa mga hinaing over thesis. Grabe, bakit ba fourth year lang tayo naging close?

UP AVCOM juniors: Maraming salamat for inspiring me to be a better ate. To be a better senior. To be a better role model. Kahit na babakla-bakla ako sa inyo, iniisip ko rin paano ko kayo matutulungan, matuturuan, maga-guide. Mahal ko kayo. Shyeeeeeet. Bakit ba fourth year lang ako nag-Org.

Omar: Ikaw ang kakambal ko, alam mo yun. Salamat sa mga fashion at passion converstations! Ikaw ata ang pinakanakakaintindi sa akin tungkol sa fashion. Hahaha!!! Salamat rin sa pagiging supportive, alam mo na yun. Hahaha. Supportive friend.

Lance: Kahit lagi kang wala, you keep me challenged. ;-) You made me realize what mutual respect really means.

EJ: Salamat sa mga random pero makubuluhang small talks. Haha, kahit lagi ka ring nasa karatig-orgs mo, friend parin kita. At, ikaw ang unang lalaking nagreject sa akin para maging date. Grabe ka. Haha. Pero joke lang kasi yun, kita mo, pati si Tepai, in-ask out ka. Haha.

Sam: Sam, sam, sam. Pag nakakakita ako ng smiley, ikaw na ang naalala ko. Salamat sa mga idle times, lalu na sa Katag hours tuwing MTh. Kahit hindi wavelength ang mga issue natin sa buhay, sobrang close padin tayo.

Sir Marlon Rivera: You are an inspiration. The greatest lesson I learned from you: “BE NICE.” You taught me almost everything about advertising. My one sem with you felt like four years. I learned a lot.

Zach: Thanks for the laughter. Thanks for reminding me to have fun, to plan yet still have passion, to work but still find time to daydream. Yehessss. Ang seryoso ba? Hahaha. Intense. Hardcore. Rock ‘n roll. Oooh... annd you took away my fear of the camera. ;-)

Kamille: You are officially my girlfriend. You were very helpful not only sa emo times ko, but even in my thesis, my work. You keep me inspired, you keep me working. You remind me that working hard is the coolest thing a student can do. Thanks for making life more colorful.

Mike: Luka-luka ang bestfriend mo, yet you still are sticking around. Tatawagan ka niya alas tres ng umaga pero nakikinig ka parin. Paulit-ulit ang kwento, ang reklamo, ang kadramahan, advice ka parin to the max. Salamat sa pagiging tunay na kaibigan. Salamat sa pagiging best friend, best guy friend. Ever.

O, ito na muna. Sa susunod na yung iba.:)

Kasalanan

Matagal ko na itong naisulat. Unang linggo pa lamang ng Enero, pagkatapos sumakabilambuhay ang pinakamamahal kong lolo. Ngayon lang ako nagkaroon ng tapang na ilabas ito, para rin mabasa ninyo. Ayoko sanang magbigay ng anumang komento or reaksyon ukol sa nakaraan ko. Pero sa palagay ko'y hilom na naman ang mga sugat. Maaring may peklat pa, pero hilom na.

***

Nauunawaan kita. Hindi kailanman kasalan ang umibig, kahit na ang umibig sa iba maski mayroon ka nang unang napangakuan ng walang hanggang pagmamahal. Di tulad ng isang awit o isang pelikula, ang pag-ibig ay walang payak na umpisa at wakas. Hindi alam ng puso ang oras, wala itong kinikilalang panahon. Hindi rin nito kayang maglagak ng transisyon. Sa pag-ibig, ang proseso ay isang ilusyon lamang. Walang step-by-step. Lahat ay parang kolisyon ng mga planeta. Mabilisan, di inaasahan.

Hindi kita masisisi kung minahal mo siya’t minamahal parin. Hindi ko magawang paratangan kang maysala, na ikaw ang mali. Hindi mali ang mahalin mo siya’t iwanan mo ako ng biglaan. Sa tingin ko, magiging higit mali kung ikukulong mo ang sarili mo sa akin. Mas kasalanan ang pilitin mong ibigkis ang iyong sarili sa isang relasyong wala namang patutunguhan.

Pero hindi itatangging nasaktan ako. Lamog na lamog nga ako. Para akong survivor sa isang salpukan ng mga eroplano. Sugat-sugat. Duguan. Pilay-pilay. Pero buhay. Buhay ako. Malayo sa bituka’t kamatayan ang mga tinamo ko. Kabaliwan ang isiping mamamatay ako. Pero kagaya ng una kong sabi, nasaktan ako’t nasugatan.

At naghihilom.

Kabaliktaran ng puso ang paghilom – kaibigan nitong matalik ang panahon. Naghihilom pa lamang ako, hindi pa lubusang magaling. Maaring kaya ko nang tumayo’t lumakad. Kaya ko nang gumalaw at gumawa ng mga bagay-bagay. Pero minsa’y nadarama parin ang kaunting kirot.

Napatawad na kita, huwag kang mag-alala. Napatawad ko na ang lahat – pati ang sarili ko. Hindi lang naman ikaw ang nagkulang, maging ako rin naman. Hindi sapat na patawarin lamang kita. Dapat, maski sarili ko ay patawarin ko rin.

Hindi mo ako kailangang tulungan. Hindi ako lumpo, hindi ako baldado. Hindi mo rin obligasyong ibsan ang kirot. Kaya kong magpagaling, nang sa sarili ko. Nag-iisa, walang iba. Unti-unti nang natutuyo’t nagbabalat ang mga langib, paminsan-minsan ay makati, pero tinitiis kong huwag kutkutin. Kaya sana’y wag mo munang kantiin, maski kamustahin. Kung may natitira kang paggalang sa akin, huwag mo muna sanang kulitin.

Hindi mo rin kailangang makunsyensya. Huwag mong isiping kailangan mo akong ayusin. Sa paglisan mo, nawala na ang kakayahan mong gawin pa iyon. Hindi mo na ako kayang ayusin. Hindi mo magagawang takpan ang mga peklat na iniwan mo. Hindi band-aid ang pakikipagkaibigan. Hindi rin ito pamurga ng mga tira-tirang hibla ng wasak-wasak na pag-iibigan. Hindi ito panagpi sa mga ukang naiwan ng isang relasyong lumubog.
Ang pakikipagkaibigan, dapat walang halong ibang motibo. Hindi ito tagatama ng mga pagkakamali. Hindi ito happy ending ng isang trahedya. Hindi ito gamot sa pag-ibig na palpak.

Huwag mo sanang ipilit. Hindi pa panahon. Hindi ko naman itinapon ang posibilidad na maging magkaibigan tayo. Pero huwag mo sanang gamitin ang pagkakaibigan para maibsan ang naiwang sakit ng gumuho nating pag-ibig. Kung magiging kaibigan mo ako, mas nanaisin kong hilom na ako. Mas makatarungan iyon para sa ating dalawa. Sa muli nating pagkikita, wala tayong baun-baong mga sama ng loob, mga tanong na di pa nasagot.

Nauunawaan kita. Marahil nasaktan mo ako nang hindi mo sabihin ang katotohanan – na may mahal ka nang iba. Tandaan mong hindi pagkakamaling minahal mo siya ng higit sa akin. Sana lang, maunawaan mo rin ako. Marahil nasakatan kita nang piliin kong mangarap at tuparin ang mga ito. Ngunit hindi naman siguro pagkakamali ang mahalin ko ang sarili ko, ang mga pangarap ko, nang higit sa iyo.

Pinatawad na kita, huwag mo nang isipin pa kung sino sa atin ang may kasalanan. Ngunit di kita pinatawad dahil wala na sa akin ang lahat. Hindi kita pinatawad dahil karapatdapat kang patawarin, hindi. Pinatawad kita dahil pinili kong humilagpos at lumaya mula sa piitang mapait ng pagkanulo mo sa akin.