Ang Aking Graduation Speech

Magandang gabi sa inyong lahat – ang ating mga pinagmamalaking mga National Artists (ang ating mga idolo) na sina Ginoong Ben Cabrera at Abdulmari Imao, ang ating panauhing pangdangal, National Artist and Professor Emeritus Napoleon Abueva, Professor Emirita Virginia Flor Agbayani, Dean Florentina Colayco, ang aking mga pinakamamahal at mami-miss na mga guro, mga kasamahan sa Fine Arts at syempre, ang aking mga ka-batch – ang mga ka-batch kong astig.
Bata pa lamang ako, naisilid na ako sa lata – sa lata ng PROMIL. Sa lata ng PROMIL na may label na gifted daw ako. Pinackage ako bilang isang batang nanaising maging anak ng bawat magulang sa Pilipinas – matalino, mabait, talented at higit sa lahat… cute.
Maliit pa lang ako kaya naka-takbo takbo ako sa loob ng lata. Pero napansin ko na kahit maluwag ang aking ginagalawan, ay may hangganan pa rin. May ilang beses akong nauntog. Pero ginamit ko ang ulo kong may bukol. Kung walang tatakbuhang papalayo, eh di papataas! Mas malayo pala ang mararating kung pataas. Sinubukan kong tumalon ng tumalon. Pero hindi ko pa rin malagpasan yung lata. Ang natutunan ko eh nakakapagod pala yung talon ng talon.

Hindi naman malungkot sa loob ng lata. Lagi naman akong napagmamasdan ng mga magulang ko. At sa abot ng kanilang makakaya, ibinibigay ang lahat ng aking kailangan. Hindi lang rin ang mga magulang ko ang nagmamasid sa akin, may mga kaibigan mapagmahal – mayroong higit na matanda, mayroon rin namang hindi nalalayo ang edad mula sa edad ko.

Marami rin akong natutunan – tungkol sa buhay, tungkol sa art, tungkol sa iba’t ibang bagay. At kasabay ng pagdami ng mga natutunan ko, ay ang paglawak ng aking kaalaman. At sa aking pagtanda napansin ko na lumiliit na din yung lata. Napansin ko din na ang Promil ay pampatalino pero hindi pampatangkad.Sa loob ng lata, wala akong ibang nakita kundi ang sarili ko – kung sino ako, kung ano ang kaya kong gawin at ano ang gusto ko maging. Kilalang kilala ko na ang sarili ko, pero kalakip no’n ay ang takot na baka sa minsang pagsilip ng mga tao sa lata ay hindi nila magustuhan ang taong kanilang makita. Baka sa minsan nilang pagsilip ay hindi nila ako makita dahil nasa ilalim ako – kaya madalas ko talagang subukang tumalon ng mataas. Kahit nakakapagod, kahit minsan nakakasawa.

At alam kong hindi lamang ako ang nakadarama ng ganito. Marami rin akong nakilalang mga tao na tulad ko’y naisilid rin sa kani-kanilang mga lata, mga kahon, mga bote, o kaya’y mga supot na may mga sari-saring label. At lahat, gustong lumaya – lahat, gustong higitan ang mga nakakakulong na kisame ng kani-kanilang mga sisidlan.

At habang mas marami akong nakikilalang mga tao, tila ba lumalawig ang imahinasyon ko, tumitibay ang pagkatao ko’t tumataas ang mga pangarap ko. Unti-unti, kong nakita ang tuktok ng lata.

At ngayong gabi, marahil ito na ang tuluyan nating paglabas sa ating mga sisidlan. Lalabas na ako mula sa lata kong may label na “gifted” daw ako.

Hindi ako lalabas sa latang ito dahil ayoko na sa loob, kung hindi dahil tumanda na ako’t lumaki para sa latang kinalalagyan ko. Lalabas ako hindi dahil pagod na akong tumalon ng mataas, pero dahil mayroong mas mataas, mas malawak, tila nga walang hangganang tuktok na tatalunin.

Sa aking paglabas, may mga bagong pader na babanggain pero kakayaning lagpasan. Hindi na lamang ang sarili ko ang aking nakikita. Nasisilayan ko na ang ibang mga tao – kayo, mga kaibigan at kapwa magaaral – mga taong tulad ko siguro’y may mga lata o kahon o anumang bagay kung saan kumakawala. Mas masaya pala tumalon ng mataas kung mayroon kang mga kasabay, at kung sila’y tinutulungan mo tumaas din ang pagtalon. Hindi na sa mala-salaming gilid ng lata nakikita ang sarili kundi sa ningning ng mga mata ng mga taong kasabayan mong tumalon.
Hindi ko kailanman kakalimutan ang lata ng PROMIL… na may label na gifted, na minsa’y aking kinalagyan. Naging masaya naman ang paglagi ko roon. Ngayon, doon ko isisilid ang mga ala-ala ng aking pagkabata, mga panahong ako’y lumagapak at sinubukang muling tumalon, ang mga aral na aking natutunan, at syempre, ang mga taong nagbigay halaga sa akin.

Ngayong lahat tayo ay naghahanda na tayo sa pagtalon natin sa mas matataas na lugar – mga lugar na minsa’y nakita na natin sa ating mga panaginip, o sa mga lugar na ni minsa’y di pa natin nasilayan. Ngayon, itatago ko na ‘tong latang ito, pero lagi kong bibitbitin ang label na gifted.


***

Sobrang salamat sa aking boss, si Marci Reyes ng TBWA-TEQUILA na super bait na nag-edit ng aking speech. Salamats sa buong TBWA creatives - sinamahan niyo ko sa paggawa at pagbrainstorm over this. Hehehe. =)

Pero to everyone who chose to stay IN MY LIFE, salamats.

The Blunt Subliminal Dichotomy

Most of the time, people try to fit themselves nicely inside boxes of definitions. Definitions of who they are, or what they want to be, or what they do. Definitions come conveniently as a form of clarification, of distinction, or security that in this world, you have a 4D space to exist.

In the construction of our definition, often than not, we just tend to see two boxes: our box and others' box. We tend to dichotomize the self and the others. We assert our individuality by embellishing of boxes with the material and immaterial. But often than not, we tend to focus too much on ourselves, others just become a background, in a blur.

We wish to stand out. We wish to be remembered. We wish to leave a mark. And I start to think, if we all want to leave a mark on others, we should at least try to know how and where we can significantly leave it.

We dream of changing the world, but we fail to see how the world can change us.

Everybody matters, that's why we are individuals. Everybody wants to be Themselves, nobody wants to be the Other. I'd rather see it that way.

I think the Self can come full circle once you have made it known to Others.